Friday, August 28, 2009

Mukhang Libro

Facebook: isang social networking site na dating hindi kilala ngunit ngayong taon ng 2008-2009 ay biglang sumikat nang husto sa halos lahat ng tao sa buong mundo. Masasabing ito’y naging mas successful having 90,000,000+ members kung saan ay nalagpasan nito ang number of members ng dating kinagiliwan ng karamihan: Friendster.

Bakit nga kaya sumikat ng gayon ang Facebook? Nang aking makausap ang mga kaibigan ko ay dahil daw sa simplicity nito at ang mga addictive games doon. Noong nagsign-up ako sa FB nung September 2008 ay wala pa gaanong mga applications… (o baka hindi lang talaga ako marunong gumamit pa noon xD). Ngunit ngayon, sa sobrang dami ng applications at iba pang features, mas naging “hooked” daw ang mga tao sa FB. Ang aking first impression sa aking pagsali rito ay medyo boring pa dahil kaunti palang ang friends ko at walang kabuhay-buhay dahil “writing posts on walls” lang nagagawa nito, di tulad ng friendster, maaaring lagyan ng design ang profile at may iba’t iba pang mga pakulo tulad ng HTML-enabled comments.

For the first 4 months ay hindi ko naayos at nagamit ang aking FB account dahil maka-FS pa ako dati. Nang ang mga kaibigan ko ay “nagsilipat”, nahikayat din akong “lumipat”. March 2009 up to now, ako’y “hooked” na rin sa FB hindi dahil sa “wall-posting”, kundi dahil sa mga games at applications na matatagpuan doon. Ang karamihan sa klase ay may nagbibitaw ng mga salitang “Ang Facebook ay nakasisira ng pag-aaral.” Medyo totoo ito dahil sa halip na magresearch ay napapapunta kami sa FB ng wala sa oras at kapag inumpisahan na sa isang laro, wala na, wala nang na-research. xD (Pero depende naman kung masinop ang taong gumagamit nito…tulad ko..?)

Mga dahilan kung bakit naaadik ang mga tao sa FB:


1.) Quizzes
- Well totoong totoo ito. Andaming quiz na maaaring sagutin, kahit ang mga balderdash na mga quiz ay sinasagot ng karamihan just for fun, entertainment, pampalipas-oras at iba. May mga intellectual quizzes (e.g. optical illusions), “fan” quizzes (e.g. “How addicted are you in (TV show/ movie), quizzes na tungkol sa pag-uugali at marami pang iba. Ang mga sikat ay ang “Are you going to heaven or hell?”, “What is the quote quotable to you?”, “What are the initials of the person you’re going to get married to?”, “Ano ka sa classroom?”, “Anong klaseng utot ka?”, “Tunay ka bang CCCian?”, “Paano ka mamamatay?”, “Sinong horror movie killer ka?” etc.



2.) Games / Apps
- Walang kamatayang mga addictive na games kung saan ang mga hindi marunong mag-budget ng time ay mahuhulog sa patibong ng addiction. Restaurant City, Typing Maniac, Pet Society, FFS (Friends for Sale), Waka-Waka, Biotronic, Word Challenge, Geo Challenge etc. – talagang mahuhook ka sapagkat may gusto kang marating: ang maging #1 sa mga friends mo.


- Bakit nakakabaliw ang mga ito? Where else can you find kung saan may price ang kaibigan mo at bibilhin mo at aagawin lang sa’yo tapos kukunin mo ulit? Kawawa naman o kaya’y ang haba ng hair nung friend mo na pinag-aagawan xD. At sosyal pa dahil DOLLARS ang currency. May global crisis na nga, bibili ka pa ng $1B na value na friend mo – dapat magtipid. Tapos, magtatype ka ng mga salita sa loob ng maruming library at parang raketa kung makabagsak kaya kailangan magmadali. Pero may chance naman tayo na maging “businessmen” dahil sa RC, may instant resto ka na agad with $2,000. San ka pa?


Mga bukambibig ngayon:
1.) Bilhin niyo ako sa FFS! - Magkano ka? - $10 billion - magkano ang iyong dangal?
2.) Trade tayo, kailangan ko ng chicken!
3.) Add mo ako sa wishlist mo.
4.) Bigyan mo ako ng gift oh…pleazz?
5.) Add mo ako sa FB


3.) Mini-chat


-Kapag walang account sa Yahoo! Messenger, dito nalang. 2-in-1 dahil nakikipagchat ka na + may wall-writing pa.


Wala na akong maisip pang mga factors na dahilan ng addiction. Kapag mayroon kang naisip o may kulang, feel free to comment. Basta nandyan lang ang FB tag ko rito sa blog ko, click it and add me – wala naman masama, kaya ngang tinawag na “social-networking site” dahil makikipagsocialize tayo. :D

Paalam at Salamat Po


“I shall carry my responsibility for the well-being of the Filipinos beyond…to my grave.”

Yan ay isa sa mga makapagdamdaming linya na binitawan ni Dating Pangulong Corazon Aquino. Alam ko na masyado nang late ang mensahe na ito ngunit gusto ko pa rin itong ibahagi at ilagay dito sa aking blog.

Mula months ng June to July, laman ng mga balita sa pahayagan, telebisyon at radio ang kanyang pagkadala sa hospital dahil sa kanyang sakit na colon cancer. Lagi nating binantayan ang kanyang kundisyon sa pamamagitan ng panunuood at pakikinig ng balita at tayo’y nagdasal para sa kanya at tayo’y nakahinga nang maibalitang naging stable na ang kanyang kalagayan. Despite of her taking of chemotherapy, nagulat at tumigil ang buong mundo sa kanyang pagpanaw noong August 1, 2009 at ang dahilan ay cardiac arrest at exactly 3:18am.

Si Gng. Cory Aquino ay masasabi nating pinakaminahal nating mga Pilipino sapagkat siya lang ang inalayan natin ng pinakamaraming at pinakamahabang pagkakataong magdasal para sa kanya. Siya ay naglingkod sa ating bansa nang tapat at may kababaang-loob. Tayo ay talagang mapalad dahil ang nararamdaman nating kalayaan at demokrasya ngayon ay dahil sa kanya. Siya ay malalarawan natin bilang matapang, matalino at matatag, kung saan napagsama niya tayong mga Pilipino mula sa sugat na naidulot noon na naging balakid sa ating kalayaan. Hindi lang ito ay kanyang naiambag, pati rin ang pagiging maka-Diyos at kapangyarihan ng panalangin niya ay nakapag-impluwensiya sa karamihan.


Pangulong Cory, kahit po kayo po’y hindi naming naabutang mga kabataan),
nawala man sa aming piling, patuloy pa rin kaming magpapahayag n gaming
pagmamahal sa inyo sa pamamagitan n gaming mga panalangin. Naway ang inyong mga naiwang alaala at “pamana” tulad ng aspetong kagitingan at pagmamahal sa
sariling bansa. Ikaw ay nagsilbing magandang halimbawa ng pagiging maka-Diyos
at simbolo ng katapangan at katotohanan.

Maraming salamat sa paggabay sa amin sa paghahanap ng katarungan/ katotohanan, mga naituro at naibahaging mga mabubuing kaugalian at higit sa lahat, iminulat niyo po kami sa paglilingkod nang tapat sa kapwa, na pinakamahalaga sa lahat ng “legacy” na ang isa ay maaaring maibahagi.

Picture taken from kellylowenstein.wordpress.com

Saturday, August 15, 2009

Code Red

Ako’y nagbabalik sa pag-boblog! Sa wakas, 2 linggo akong nawala sa mundo ng blogging. Isang reason ay ang pagrereview para sa mga darating na entrance exams sa colleges tulad ng sa Ateneo (September 20, 2009 na) at UST (sometime in October 2009). Pero talagang nanghina ako sa isang pangyayari: ang pagkasira ng isang “part ng buhay ko”, ang aking computer.

July 2009: Kapag ako’y nag-susurf sa internet, hindi maiwasang magdownload ng mga files na kailangan ko sa aming computer subject dahil nandun ang mga activities, projects etc. na nakastore sa Yahoo! Groups ng class namin. As time goes, napansin ko na bumagal ang buong system ng laptop ko at lahat ng games, sa sobrang bagal, isang click inaabot ng 2 minutes bago mag-play talaga. Binaliwala ko lamang ito. Sa mga sumunod kong paggamit, kapag ako’y nagtatype sa MS Word, malingap lang ako nang saglit, lahat ng aking natype ay binubura at pinipigilan ko ito sa pamamagitan ng ctrl + Z. Tumitigil ito pero after 30 seconds, pilit “may bumubura” ng lahat ng tinatype ko.

It’s very alarming, nang aking i-check ang aming anti-virus program, lagi nitong sinasabi na invalid key pero naka-install at activated naman. Binura ko na iyon at bumili ng bagong anti-virus program. It was good, nang aking ma-scan ang system, 50+ errors, viruses and threats found at agad kong ni-remove. So I was comforted na wala nang problema sa computer ko. Pero after 2 days, bumalik ang “bumubura” kapag nag-tatype ulit ako sa MS Word. Things got worse dahil kapag nagciclick lang ako ng folders, biglang lumalabas ang “Are you sure you want to delete this folder?” without clicking the delete button. Lagi kong pinipindot ang “No” pero hindi maalis ang “window”. Ganun ang nangyari sa lahat ng files and folders sa aking computer. Kinabahan ako nang sobra. Buti na lang ay nasave ko ang mga files ko sa USB ko. Ako’y nagscan muli pero “No Threats found” ang nasabi pero alam kong meron. Sa sumunod kong gamit, nawala na “lahat-lahat” ng laman ng computer ko.

Thanks to my wonderful dad at naayos niya ang laptop sa pamamagitan ng pag-reformat. It took him 3 days to return all softwares and applications removed. Hay… back to normal pero nawala ang mga blog posts at mga games ko. Pero okay lang, at least may nagagamit pa rin ako. That virus was very tricky at bigla na lang mag-popop-up sa internet na “Please download our software to ensure your computer from viruses”. Hay…grabe pala ang virus. Sobrang hirap pakiusapan, kumakalat sa lahat ng files. Now I learned na I should evade from download too much files from the internet. At sana, effective an gaming nabiling bagong anti-virus program.

Friday, July 31, 2009

Ba-na-na-na

Anung prutas ang nananakot?


Ba-na-na-na!

-Joke ng aking kaibigan na si Winnie Robles Eliab :D


Agosto na! Ibig sabihin ay buwan na ng Wikang Filipino at dapat ay gamitin ito nang husto at maayos ng mga Pilipino. Kaya ito ako ngayon ay bagbabalik sa paglalagay ng “post” sa wikang Filipino.

*Ang mga susunod kong "post" ay maaaring nasa wikang Ingles pa rin dahil na-"type" ko na sa MS Word x)

Ang aking nararamdaman ngayon ay kaba at kaunting takot sapagkat nalalapit na ang pagsusulit sa UP at kailan ito? BUKAS NA! Talagang kinakabahan ako dahil may mga naglalaro sa aking isipan na baka bumagsak ako, sobrang hirap ng mga tanong, ano kaya ang pakiramdam na hanapin mag-isa ang Palma Hall (doon ako kukuha ng pagsusulit) at iba pa. Sa kasalukuyan, habang ginagawa ko itong “post” na ito ay iba sa aking mga kaklase ay kumukuha na at nagsasagot ng UPCAT. Ngayon ay kung napapansin po ninyo ay hindi ko na maasikaso nang husto ang aking blog, kung dati ay laging may “post” araw-araw, ngayon ay sa isang linggo ako gumagawa ng “post”.

Ito na marahil ang huli kong “post” sa panandalian dahil ako ay nag-aaral nang husto para bukas. Kakasimula ko nung bakasyon ngunit sa kasamaang palad ay nakalimutan ko ang karamihan sa aking mga napag-aralan kaya babalikan ko sila. Walang pasok ngayon kaya ako’y tumitingin ng mga impormasyon mula sa “internet” at sa buong 24 oras marahil ay mag-aaral ako (kahit mali dahil walang tulog x( ). Hay, kailangan ko pang manuod ng mga palarong palabas sa telebisyon upang may karagdagan akong matutunan (para sa “General Information”). Ngayon, problemado pa rin ako sa Matematika, litong-lito pa rin sa paghanap ng kung anu-ano sa bilog, pagkuha ng edad ng tao at iba pa. Sa Agham, pisika ang hindi ko pa masyadong napag-aaralan: ang pagkuha ng “velocity”, mga pormula sa pagkuha ng “acceleration” at iba pa. Marami pa akong hindi nalalaman!

Paalam muna! Hay...andami ko talagang iniisip dahil lahat ng 9 na asignatura namin ay may proyekto at karamihan ay ipapasa sa susunod na linggo (binigay sila nung Huwebes lamang). Dinagdagan pa ng UPCAT na lalo pang nagpa-“stress” sa akin. Tapos ko na ang pag-aaral sa asignaturang Ingles, may 4 pa: Agham, Matematika, Filipino (Florante at Laura nalang) at General Information. Alam ko na kaya ko ito basta’t nandyan si BRO!

Sunday, July 26, 2009

I just want to ask..

Life & our world are full of mysteries. There are still secrets veiled and waiting to be discovered in our life and the world. Below you're about to read the questions I want to ask with the world (some questions are tricky & for fun, some are real) that still remain unanswered. If you know the answer, comments are within acceptable limits. :D

1. I watch television everyday with clear signals resulting to clear pictures. Suddenly, I perceive the sound of an airplane fluttering above our location. Then, when it starts to get ahead of our house, it causes "waves" on the TV screen (pictures displayed) like losing signal. Why does this happen?

2. Who said that raising of the middle finger is bad/ expressing the bad word "***k"?
3. Why do people tend to press harder on remote controls if they know that the batteries are dead?


4. Why "Auroras" only occur in cold regions/ continents?





5. Why small ticks are hard to eradicate?

6. Why do soldiers, pilots I think and police officers use the words "mayday", "roger" while using radios/ walkie-talkies? Is it also necessary to say "over" & "out" after each sentence they say on these "talkies"?



7. Why do sharks frequently display their dorsal fin above water?


8. Is there a reason why most "Blacks" have somewhat similar voices?
9. Why do things seem to look darker when they get wet?
10. Who made "computer viruses"? Where do these come from?
11. Why's the sky blue?
12. Why do people tend to "pee" when they drink softdrinks/ alcoholic drinks?
13. Do starfishes have faces?
14. Why some people are hairy & not hairy?
15. Why some gums can make "bubble" others are just for chewing?
16. Is there any way to remove ballpen marks on plastics (covers/ mantel)?
17. Why people get dizzy after drinking alcohol?


18. Do jellyfishes have eyes?


19. There's a person who, before leaving his house, removed all the plugs from the outlets. As soon as he leaves, he tends to wonder "did I really removed all the plugs" causing him to return and check again. Is there a name for this behavior?
20. Why do "sit up" and "sit down" mean the same thing?
21. Why do crackers have holes, not cracks?
22. Why some people have very oily skin?
23. Why dogs show aggression to cats? Cats to birds/ fish?
24. Why do we get drowsy and teary-eyed when we have colds?
25. Are pancakes and hotcakes the same?



26. Does milk make a person smart?


27. Is work a form of God's punishment to us?
Comment your answers! :) Thank you.
*images are taken from Wikipedia and Google Images

Badges



Proudly Pinoy!