Disturbia: Ito ang pamagat ng isang awitin ni Rihanna. Ito ay isang magnanakaw sa gabi na darating upang kunin ka, gagapang sa iyo at lalamunin ka at isang sakit ng isip na maaaring kontrolin ka at malapit sa kaginhawaan. :D
Parang iyan ang akng nadama sa mga nagdaang mga linggo at araw. Dahil sa sobrang daming gawain, nakalimutan ko na ang aking sarili at kung papaano mag-relax! Disturbia rin dahil may mga suliranin akong dapat ayusin sa aking mga kaibigan. Ang tingin ko at ng iba sa akin ay si Rihanna sa music video niyang “Disturbia”, puti na ang mata, sumasayaw sa kama, paikot-ikot ang ulo, parang robot kung gumalaw at itim ang paligid ng mata dahil sa....eyebags. :D
Noong nakaraang linggo, sa aming paaralan, ang aming pinagtuunan ng pansin ay ang pagsasanay sa pagsayaw para sa aming JS Promenade Night. Wala kaming ibang ginawa kung hindi sumayaw nang sumayaw at ako ay nahirapan din sa pagsasabi o pagpapaalam sa iba naming mga guro na kung maaari bang gamitin ang oras nila upang magsayaw. Dahil sa paulit-ulit ang pagsasayaw at dahil may nagkakamali, pinayagan ako ni Bb. Simene na magpahinga pagkatapos ng isang salang, sinama ko na rin ang aking magandang kaparehang si Frances Anne G. Brecia :D upang magpahinga rin dahil nahihilo siya kapag nagsasayaw at wala rin siyang makakasayaw tuwing practice. Ito ay ginawa namin araw-araw, sayaw lang nang sayaw, na nagdulot din ng init ng ulo ng iba, kapaguran, pagdami ng pawis sa katawan, sigawan at iba pa.
Para rin kay Ate Riz, at sa aming lahat, kailangan naming manalo sa “The Congo” contest sa darating na ika-12 ng Pebrero dahil kung hindi ay gagawa kami ng “book reviews”, 3 nobela ang dapat basahin at hindi maaaring short stories, ito ang magsisilbing proyekto namin sa asignaturang Ingles.
Di rin namang maaaring mawala ang pag-aaral, kahit puro sayaw lang at The Congo nung nakaraang linggo. Pinaghandaan din namin ang ika-5 at huli naming buwanang pagsusulit na ginanap nung ika-9 hanggang ika-10 ng Pebrero 2009. Nagkaroon na ng isang formula sa isip ko sa mga gawaing iyon (para sa akin):
Pangalawang linggo na ng Pebrero at ika-5 buwanang pagsusulit na namin! Salamat kay BRO dahil bahagyang dumali ang aming mga pagsusulit, ngunit ako ay nagsisisi sa aking kamaliang nagawa sa asignaturang Matematika na sa halip na “positive” ay “negative” ang naisulat ko L. Nakakalito naman nang husto ang Araling Panlipunan at nakakadugo ng ilong ang Chemistry, kahit nag-aral ako nang mabuti. Pagkatapos namin ay nagsanay kaming III – St. Albert the Great ng “The Congo”, kaunti lamang kami dahil wala ang CCC Chorale (halos ½ sa amin ay kasama rito) at salamat kay BRO, tapos na namin ang mga steps at nagawa na namin nang maayos iyon.
Pagkatapos din ng kada araw ng pagsusulit ay nagsanay na naman kami muli ng sayaw para sa JS. Bago kami sumalang, kami ni Ate Riz ay nagkaroon ng tapatan sa isa’t-isa. Naging maluwang ang aking loob nang masabi ko lahat ng aking hinanakit sa kanya. Maayos naming naayos ang suliranin at salamat muli kay BRO, magkaibigan pa rin kami :D yehey! (love you Ate Riz!)
Yan ang iba pa lamang sa mga dahilan na nagsanhi sa akin ng “Disturbia”. Marami pang darating, kaya dapat kong ihanda ang akng sarili dahil sabi nga...
"It's a thief in the night, to come and grab you.."
3 remarks:
Hi Patz! I'm back! =P After... um... almost a week (?)
Grabe, miss ko na talagang magbasa ng mga Blog! Maglalagay agad ako ng entry pagkatapos kong magpahinga ng kaunti. =)
Sino si BRO? Wala lang, curious lang ako... =)
ui....fan siya ni BRO...hahaha
nice blog....
Post a Comment