Thursday, June 4, 2009

I Admit! I'm Still Childish :D

I suppose every person has his own “childish” side (smile!). Kasi ako meron pa at hindi iyon mawawala pa kailanman. I think it’s nice to be childish at times and when you have discipline pero wag sosobra diba? Para kasing boring kung lagging “makaluma” ka or wala kang ginagawang masaya sa buhay mo kasi sa sobrang matured mo na. Tama ba ang mga pinagsasasabi ko? Hehe. By the way, ayun nga, kahit you show a little “childishness” okay yun in my opinion, happiness will stay longer if you think you’re young (sabi sa akin ng friend ko ‘yan).
Ako, 15-years old na, naglalaro pa rin ng teddy bears! But now, not anymore. Naka-display lang sila at yung iba ay nakatago sa multi-purpose box kong ginawa na project sa Math nung 3rd Year High School ako. Ganun ko sila kamahal, since only child lang ako, tinuring ko na silang mga “kapatid” (wag niyong isiping baliw ako ha? XD)

For 2 years (2005-2006), when I was in Grade 5 tapos hanggang sa naging Grade 6, nag-iipon at nagpapabili ako sa aking pinakamamahal na ina ng sangkatutak na Meiji Yan-Yan snacks. 10-11 years old ako nun at ‘pag natatapos ang klase, may pasalubong sa akin si mama ng Yan-Yan. Alam niyo kung bakit? Hindi ang crunchy sticks at chocolate dip ang habol ko run kung hindi ang laruan dun, diba isip-bata? :D

They’re called365 Meiji Birthday Bears”. Isang bear kada Yan-Yan pack or isang Yan-Yan mismo. Dati, when you buy 5 Yan-Yan’s, 1 bear, pero as time went by, 1 Yan-Yan = 1 bear. I remember Christmas time nun at nagkaroon ako ng bear nay un na binili ng pinsan ko. Siya ang kauna-unahang bear ko: plain lime green ang kulay with gray ears, hands and feet at ang name niya ay naka-indicate sa nametag na nakakabit sa kanya complete with Japanese name, zodiac at birthday. Siya ay si Mint, born at June 19. Mula noon, nawili na ako sa mga bears na yun. Kung dati, tamad akong pumupunta sa grocery shops, sumasama na ako lagi para makabili ng Yan-Yan.

Kada bili ng bear, pinipindot-pindot ko sila, ang lalambot kasi! Ginagawa ko silang stressball kapag nagrereview ako at kung anu man ang ginagawa ko. Bumibili rin ako ng bears para iregalo sa mga friends ko. Minsan, hindi naiwasang maiingit yung iba at hinihingi sa akin sila, pero madamot ako pag dating sa ganitong usapan, kahit umiyak sila, di ko pa rin binigay (sama ko talaga XD).

At 2006, naka 119 bears ako with 6 bears na iniregalo ko sa friends at sa mga pinsan ko. Dun mas inexpand ko ang kanilang mga pangalan sa pamamagitan ng pagbibigay ng apelyido (last name) sa kanila. Binabase ko ang surname nila sa kanilang kulay, designs at sa mga last names ng ibang Hollywood Stars.

Example: Pearl Winfrey – (from) Oprah Winfrey; Mint Greenfields (kasi green ang kulay niya); Cherry Polkadots (polkadots kasi design)

Ganyan ako kaaddict sa aking mga “kapatid”. Di ako baliw ha? XD Minsan pag ako lang mag-isa, nilalaro ko sila nun na ginagaya ko ang “Happy Tree Friends”, tinutusok ng karayom, hinahagis, binabali ang leeg at iba pa. Basta hindi ako baliw! :D

When I was in 1st Year, sinimulan ko silang ipasyal sa school. Isinasabit ko ang isang bear araw-araw sa ID ko, iba-iba. Pinapahiram ko sa kanila pero pag hindi nila naibalik bago mag-uwian, sinisigurado ko na kukunin ko yun ulit. XD One friend of mine, si Agatha Cuaresma, pareho kaming mahilig dun. Pero nung December 12, 2007, binigay na niya sa akin at last 3 bears niya, parang remembrance kasi lilipat na siya ng school nun. Nanghingi din ako ng mga bears sa mga kaklase ko at meron akong nahingi from Albert Mates, si Miyuki & Taichi. Sila ang pumalit sa nawala kong bear sa SM Megamall habang namimili sa National Bookstore nung December 8, 2007 na si Yasuko.

As of now, mayroon akong 123 bears. 3 sa kanila ang may “heart” sa kamay meaning “good luck” daw. May mga pareho ang designs pero iba ang kulay ng ears, hands at legs, may pagkakahawig at itsura, parehong birthday at pangalan, pati kambal (si Shintaro: sa picture kasama niya kakambal niya pero sa kaibigan ko yun).

You may think na para akong isip-bata or girlish dahil bears ang laruan ko. Hindi, collection ko lang po iyan. Basta nacocornihan lang talaga ako sa mga baril-barilan XD

Take a look sa aking collection ng “Meiji Birthday Bears”. I didn’t put their birthdays anymore for more space. Enjoy! Click to view them.

Hiram lang! Bawal hingin. =)

0 remarks:

Badges



Proudly Pinoy!