Thursday, January 29, 2009

Irony of Events

Ngayong araw na ito sa aming paaralan ay puno ng kapaguran kahit wala masyado kaming ginawa kanina kung hindi magsayaw nang magsayaw nang magsayaw. Talagang pinaghahandaan namin ang JS Prom dahil once a year at twice in our lives lamang ito. Siyempre, to make it more special, dapat maganda rin ang sayaw namin.

Puro kami practice kanina sa class hours namin. Kalahati na ng "Da Coconut Nut" ang nagawan namin ng steps at since hindi pa ito tapos, magkakaroon kami ng aking mga kagrupo ng general practice kinabukasan, upang maayos na ito.

Ang sumunod naman naming sinanay ay ang aming presentasyon ng "The Congo", of course still under the supervision of the very much talented Ms. Riz and with Pau's assistance. Kahit sa stage kami nagperform, ang sikat ng araw kahit 8:00am ay mainit na kaya kinailangan kong magsuot ng sumbrero upang hindi himatayin (upang hindi na maulit ang nangyari sa akin nung nakaraang araw: ("Dinaya ko ang Aking Kamatayan/ Kapalaran")

Nang matapos kami sa "The Congo", kami ni VP close friend Ate Sharms ay nagpaalam kay Bb. Cenie Moreno at sa iba pa naming mga guro kung maaari bang magsanay para sa JS Prom. Pumayag sina Gng. Cruz, Bb. Brequillo pati rin si Gng. Amalia, na laking pasasalamat namin! :D Nung time namin sa Chemistry, ang akala namin ay magtuturo pa rin si Bb. Cenie, ngunit pumunta lamang siya sa silid-aralan namin upang pumirma sa attendance sheet namin. Pumayag din siya! Nang dahil sa mga pagpayag nila, mula 8:30am - 1:00pm; 2:00pm - 4:00pm, wala kaming classes, dance classes meron! :D

Sa room kami muna nagpractice hanggang sa kami'y tuluyang lumabas. Pawang may Christmas Party ang aming silid-aralan dahil inikot namin ang aming mga upuan. Sari-sari ang aking mga naging kapartner kanina: ang aking original partner, Frances, si MM, Raisa at si Apple (Jenica).. Ang saya talagang sumayaw kaya lang pag sumobra, mapapagod ako at ayoko nang mahimatay muli. x(

Nagsayaw lang kami nang nagsayaw. Para talagang "free day" ang araw ngayon. Maaaring lumabas, kumain at ang best ay walang lessons! Relaxing pero physically hindi dahil nangalay ang mga binti namin sa kakasayaw.

Ngayon din ay naglabas ng sama ng loob si Edexa, na ako'y umiyak din ako sa loob-loob ko. Nilagay na rin niya ang replacement para sa "A Night to Remember", ang "Can I Have This Dance?". Tapos yung mga finishing steps din. Tinuro rin nila ni Czarina ang mga steps sa St. Francis, kasabay din ng tindi ng sikat ng araw. Halos maging oil spill ang mukha ko sa dami ng langis at pawis na lumabas sa noo ko at halos maging tsokolate ako sa init, medyo umitim ako. Inisip ko nalang, PROM ito, PROJECT din ito.

Nakita ko rin ang iba't-ibang pag-uugali ng mga students ng CCC kanina. May mga mainitin ang ulo, hyperactive, senti at may mga nag-emote. Katulad nalang ni Kaila na nagselos sa kasayaw ni Kuya Joed na nagpapaturo ng steps. I admit, nakakakilig yung dalawa pag ganun. Nang matapos iyon, nagsayaw silang dalawa. (love was in the air kanina). Habang ang iba ay nagbreak muna, ang nakasayaw ko ay si Jessa. Nakakapagod talaga! Ubos na ang tubig ko, bumili ako ng dalawang cup ng ice cold Milo para mapawi ang aking uhaw, buti nalang kasama ko lagi si Apple! :D

Nang mag-12, kami ay pumasok muli sa room, upang magpahinga. Hindi ko namalayan sa sobrang pagod, nakatulog ako sa room, sabi ni Raisa, nakanganga raw ako, pero patago :D! First time kong matulog sa classroom, inabot iyon ng 40 minutes. Nagising ako nang marinig ko boses ni Gng. Galvez na maghanda ng 1/2 crosswise para sa quiz. Kumain ako ng lunch at kami ay nagtake ng quiz. Sadly, 24/25 lang ako, isa na lang, nasulat ko kasi "paangkin" instead of "nag-aangkin". Inaantok pa kasi ako nun eh, sayang!!

Matapos ang quiz, nakita ko ang funny side ni Gng. Galvez, pinatawa niya kaming lahat nang kanyang sabihin na kumukha ni Ochie si Patrick Atienza at ang consequence na nakuha niya sa "BC Apple" na hawakan ang kamay ng crush niya. Hinawakan niya ang kamay ni Kuya Joed, na nakita ni Gng. Galvez, hanggang ito'y mapunta sa tuksuhan at aminan at nalaman din ng aming guro na si Chx (MC) ang crush ni Ochie! :D

Pagkatapos ay nagsayaw na naman kami, 2:00pm, napakainit sa labas. Doon, kinumpleto na namin ang sayaw, from Waltz to Waltz (kulit!). Hirap ng "Can I Have This Dance?", medyo complicated pero nagawa pa rin namin. Nilipat kami sa court ni Bb. Simene. May mga ginawa siyang changes sa sayaw namin. Tinanggal niya ang Waltz at iniba ang entrance namin. Hay... Ginawa niya kaming "models" sa pagrampa kanina.

Habang nagsasayaw kami, grabe tulo ang pawis ko lagi, kami ni Ate Ba! Buti nalang pinagpapahinga ako ni Bb. Simene, kaya alternate ako kung magsayaw. Sinasasama ko na rin ang aking partner siyempre, pagod na rin siya. At sa wakas ay natapos kami nang 4:20pm.

Nakakapagod talaga ang araw na ito! Kahit walang lessons, tadtad naman ng sayaw! Hay... Sabi nga ni Apple (Jenica)....

"Relax ka lang Patz. Think positive! :D"...

Tuesday, January 27, 2009

Saya, Lungkot, Pagod at Pagkakaibigan

Hay... Kay bilis talaga ng panahon. Pagkatapos mamaalam sa 2008 ay aking binati ang 2009. Sa pagsisimula ng taong ito, nakaramdam at nakaranas ako ng mga matitinding pagsubok at iba pang mga pangyayari, masaya o malungkot man, na talagang hindi ko malilimutan.
Binati ko ang unang araw ng taong 2009 sa pagpunta sa simbahan ng Quiapo kasama ng aking mga kapamilya. Nang kami’y matapos magsimba, kami ay dumiretso sa SM Megamall (na dapat sana ay sa MOA) upang mananghalian. Kumain kami sa Max’s Restaurant (na naman – almusal ko kinaumagahan) at nag-order ng sobra-sobrang pagkain. Ang kinain ko (as usual) ay Shanghai Rice at Max’s Chicken sabay ng 7up na softdrink. Nang kami’y matapos, kaming 14 ay naghiwa-hiwalay sa panunood ng sine. Kami nina Ate Shayne, Denise & Nathan ay nanuod ng “Ang Tanging Ina N’yong Lahat” (dahil gusto kong tumawa buong taon :D). Ang mga “adults” ay nanuod ng “Iskul Bukol” & “Baler”.

Ang masasabi ko lamang ay talagang nakakatawa at nakakatuwa ang pelikula ni Ms. Ai Ai. Deserving ito na manguna sa takilya & maging “Box Office Hit” sa MMFF. Halos lumuwa na ang aking mga mata at sumakit ang tiyan ko sa kakatawa dahil kay Ina & Rowena (Eugene Domingo), lalo sa mga famous quotes nila.
“Ang batang masipag, paglaki pagod.” Etc.....

Nang matapos ang napakaligayang unang araw ng taon, puno naman ng kalungkutan ang bumalot sa aming tirahan, lalo na para sa akin. Pagkatapos ng 4 na araw ng pananamlay ng dalawa sa aming mga alagang aso na si Buck at si “Moo Time (Zipper)”, ay tuluyan nang lumisan sa aming piling (pagkatapos ng 2 taon). Ako’y umiyak sa buong gabi at hindi nakatulog dahil napamahal na sila sa akin. Pumanaw si Buck nung ika-2 ng Enero samantalang si Moo Time ay pumanaw matapos ng 2 linggo.
Ang mga sumunod na araw ay puno ng trahedya, kamalasan at kalungkutan para sa akin. Nung ika-4 ng Enero, kami ng aking mga kaklase ay nagpunta sa tirahan ni Zeejay upang mag-edit ng aming pelikula. Nang kami’y matapos, kami ni Raisa ay umuwi na. Nang kami ng mama ko ay nasa jeep pauwing Angono, sa Taytay ay mayroong sumakay na isang kahina-hinalang lalaki. Nagkaroon ng takot kami ng mama ko at lumipat kami ng upuan. Nang kami’y lumipat ay siya namang umalis ang lalaki. Nang ang aming jeep ay palayo na sa Taytay, aming nakita na ang lalaking iyon ay isa palang HOLDAPER dahil muntik na niyang manakaw ang bag ng isang tumatawid na babae ngunit maraming tao ang bumugbog sa kanya.

Sa pagsisimula muli ng pasukan, maraming araw ang aking pinagdaanan na puno ng trabaho, kapaguran at kamalasan din. Mas naging “busy” ako ngayon sa pagbubukas ng 2009.
Nung ika-5 & ika-6 ng Enero, pinalabas ang mga kauna-unahan naming mga pelikula (III – St. Albert the Great). Nandun ang “Wild Child” nina Ate Riz, “Bato sa Buhangin” ng aming grupo na kasama ang nakahihiyang patalastas ko sa pag-spoof sa Coke :D, “Dating Tambayan” na nakatutuwang love story nina Yanna at ang pinakapaborito ko sa lahat, ang “C.A.B.I.N.E.T.” nina MM, na talagang nagpatakot at nagpatawa sa akin. Ang aming mga pelikula ay pinalabas sa ibang pangkat ng Third Year, kung saan nakita nila ang aming mga kahihiyan...

Sa tuwing may pasok, ako’y nakakaramdam ng pagkahilo at pananamlay araw-araw ngunit pinipilit ko pa rin na maging masigla sa paningin ng mga kaklase at guro ko. Ito’y marahil sa sobrang kapaguran mula sa tambak na mga gawain na nakaatas sa akin. Kabilang dito ay ang pagsulat ko ng 6 na artikulo para sa aming dyaryo sa paaralan. Umaabot ako ng 4 na oras dahil sa dami ng mga ito. Dalawang artikulo nalang ang hindi ko nagagawa hanggang ngayon dahil sa daming takdang-aralin at proyekto.


Hay... Tama na muna sa puro negatibong nangyari sa akin, sa magaganda naman. Ang aming pangkat (III – St. Albert) ay dumaan sa mga pagsubok sa “spelling” nang dalawang beses upang makuha ni G. Arcilla ang top 3 spellers para sa Pebrero sa finals. Sa ngayon, ako’y pang-anim (6th) sa ranggo, may pag-asa.

Sa asignaturang Ingles pa rin, kami ay nagpractice nang isang buong araw para sa choral recitation namin sa ika-23 ng Enero. Kailangan naming ipresent ang The Congo” ni Vachel Lindsay. Kami ay sinanay nang husto ni Ate Riz at ako ang drummer boy nila. Mahirap maging drummer, tataymingan ko ang pagsalita ng aking mga kaklase na dapat ay sakto. Ang akala nung una ay madali, yun pala ay hindi. Kaya nasabi ko sa aking sarili na matapos ang “elimination” ay gusto ko nang maging “Indian” sa aming presentasyon.

Isa rin sa mga pinagtuunan namin ng pansin ay ang paggawa ng steps para sa aming sayaw sa JS Prom. Remix ang tugtog namin, may Mambo #5, I Can’t Take My Eyes Off of You, Awitin Mo at Isasayaw Mo & Night to Remember. Sina Edexa ang namuno sa pagbuo ng steps at dahil isa ako sa mga “leaders”, kasama rin ako sa pagbuo nito. At nang dahil din dito, sa wakas ay nakapunta rin ako sa bahay nina Ate Riz sa Tower Hills na napakalaki at napakaganda talaga. :D

Daming mga nangyari sa unang 26 na araw ng 2009! Ngayon din nabuo ang isa ko pang group of friends na “LPJ”, kami nina Lance at ni Kuya Joed na ang official na pabango ay ang nakakaadik na bango ng “Atlantis”. Ang FRIENDSHIP din ay lumaki, ang dating 5 kami ay naging 7 na! Nakapunta rin ako muli sa bahay nina Ludi upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan nung ika-17 ng Enero, kung saan halos 20 ng III – St. Albert ay nandoon. Kasama ang masarap na mapulang spaghetti ni Tita Lourdes at ang libreng “Alice Academy” showing!

Kaunti pa lamang iyan, marami pa ang darating na mga mabubuong pagkakaibigan, mga pagsubok at iba pa. Alam kong kakayanin ko lahat ang mga iyon sa gabay ng Diyos! :D

Monday, January 26, 2009

Kapag Tumibok ang Puso

Ang pag-ibig ay biyaya sa atin ng Diyos. Lahat tayo ay nakakaranas ng pag-ibig, sa ating mga magulang at sa mga kaibigan.....na nabubuo ang ka-ibigan! :D

Ako rin ay tinamaan ni Cupido ng maraming beses. Aking naaalala na ang first love ay I mean “crush” ko ay si Zelle nung ako’y Grade 5. Ngunit ngayon ay matalik kaming magkaibigan. Ang mga sumunod ay pawang “pag-idolo” lamang ng mga personalidad sa telebisyon gaya ng isa sa mga 26K ng Kapamilya, Deal or No Deal at iba pang mga artista. Nasa aking listahan ng mga naging “crush” sina Chloe McCully & Starr Spangler. Ngunit ngayon, mula nung ika-9 ng Disyembre 2008, ay mayroon pa rin akong paghanga sa aking kaibigan na lalo pang “lumakas” sa paglipas ng mga araw. Hindi ko maaaring sabihin dahil ito’y “against the law”..... Masasabi kong infatuation lamang ito pero mayroon akong mga sinyales ng pagiging masaya o malakas/ mabilis na pagtibok ng puso ko sa tuwing maririnig ko ang kanyang pangalan, kapag kinakausap niya ako at kapag kami ay nagtuturuan ukol sa mga aralin. Ang dahilan kung bakit mas lumakas ang aking paghanga sa kanya ay marahil siya ay malambing, mabait at nakakatuwa. Paghanga lang naman ito, hindi na lalagpas doon at nais ko na kami’y maging magkaibigan na lamang. Okay lang naman yun, close naman pa rin kaming dalawa. Natural sa akin na ayaw kong ipaalam ang aking paghanga sa kanya na maaaring makapagpabago ng kanyang tingin sa akin. Kaya napag-isipan ko na itago na lang sa sarili ko iyon at pati rin kay Winnie! :D CLUE: girl siya! siyempre...

Hay..Ang buhay talaga ay talagang makulay kapag may pag-ibig at paghanga sa kapwa. Natural lang iyon sa isang tao, lalo na kapag nagiging mature at sa haiskul! Di ko rin masasabi kung ito’y magtatagal, basta ang alam ko, ang Diyos lang ang makapagsasabi. :D

Tuesday, December 30, 2008

Year 2008: A Year of Firsts and "New's"



* This is my first "taglish" post...




Wow, ang bilis ng panahon! Parang kailan lang yung mga araw na nagdaan ngayong 2008. Itong post na ito ang last ko para sa taong ito, at bukas ay year 2009 na. Imaginin niyo yun! Ang taong ito ay napakamemorable sa buhay ko sapagkat marami akong mga naranasan, nadiscover, napuntahan, nakilala, napatunayan at iba pa. Ang post kong ito ang siyang parang "recap" sa buong 2008, as I reminisce this period of time.

Year 2008

January 1, 2008: Ang first day ng 2008, kung kailan kaming Dolores clan ay tumungo papuntang Pasay City at nagcelebrate ng New Year sa SM Mall of Asia. First time kong makapunta roon, na last year, pinapapangarap kong mapuntahan dahil halos lahat ng mga "CCCians" ay nakapunta run, na-oOP ako sa mga stories nila pag pumupunta sila roon, but good thing I waited dahil nakapunta na rin ako sa wakas!
Grabe pala ang MOA, ang laki! Halos mahilo ako sa kakalakad at parang hours na ang lumilipas kapag naglalakad ka roon! Di mo akalaing mall yun talaga, "nakalutang" sa tubig! :D Sabi ng lolo ko, ang sementong tinatapakan doon ay dating tubig.

3:04pm: Naalala ko pa rin yung time, kaming 5 Dolores cousins ay pinayagan na pumunta sa "Science and Discovery Center" sa MOA. Ang mahal nga ng ticket, buti nilibre kami ng mga parents at tito namin, P350 per person in 5 hours.

When we entered, kami ay nanood muna sa "planetarium". Yun ang 2nd time kong makapunta sa planetarium, first ay yung Field Trip ko sa dati kong school nung Grade 3 ako. Napakarealistic ng view na parang nandun ka sa pinapanood mo, isama pa ang SFX (sound effects), fantastic!

Pagkatapos ng 1 hour na panonood, kaming 5 ay nagtungo sa loob. Doon may mga robot, inventions, dun ko rin nalaro yung "Mystery Case Files: Prime Suspects" sa maliit na oras at "Wheel of Fortune" sa computers dun. Siyempre, di nawala ang picture-taking: sa aquarium, sa mga giant robots, sa hagdan, sa trivias, maging dun sa "Burping Machine" at "Bacteria Center". Naadik din kami sa pakikipag-compete sa "Grossology", nananalo kasi kami..... :D At bago kami umalis, kami ay nagpapicture dun sa isang booth na ine-edit yung background, napili namin yung may mga planets.

Ang mga pictures namin sa SADC ay nasa photos ko, "Mall of Asia Scenes" sa http://profiles.friendster.com/patrickjuacalla.

January 18, 2008: First time kong makabili at magkaroon ng Nokia cellphone since my first cellphone was Siemens C62. Ang nabili namin ay ang Nokia NSeries na N70. I chose the black theme of the phone which costs P11,000 until now.

February 9, 2008: Date ng competition (Biology Quiz Bee) namin sa UP Los Bańos. Kasama ko sina kuya Karl Patrick Daliposa at Carlo Nikko Calarion. Si Lance Gerome A. Dela Cruz, my best friend, observer siya. Kasama rin sina Mrs. Cherrie Usares at Mr. Vic Gammad (coaches).

Kami ay talagang nangapa sa Quiz Bee dahil wala sa aming naibigay na pointers, yung ibang school meron. Ito ay nahati sa dalawang bahagi: Written Exam and Oral Exam.

Di ko na matandaan kung anu-ano mga score naming tatlo sa Written. Tapos sa Oral, nakakasagot kami kaya lang medyo mahirap yung scoring (Easy, Average, Difficult):
Correct: 5, 10pts.
Wrong: no score
No Answer: 3 pts.

Most of the times, no answer kami, ang hihirap ng tanong kasi, puro "scientific name" na hindi namin napapag-aralan. Playing safe as to say.

At ganoon, nabigo kaming makapasok sa top 3 schools, in short, we lost. But it's okay, at least our score was -11 pts. :(

At least nakapunta kami UP :D

February 14, 2008: Valentine's Day, pero hindi ako nakipag-date! Date ito ng finals ng "Impromptu Speech Contest" namin sa school. Nakapasok ako sa elimination nung November 29, 2007, ranked 1st :D . Kabadong-kabado ako nung time na iyon, kasi 2nd Year palang ako, 13 y/o, may kalaban na 16 y/o (4th year) at pilot section pa.

Sa year level, ang kasama kong kabatch na friends ko rin ay sina Ate Mariz R. Ponti at Frances Anne G. Brecia. Magagaling silang lahat siyempre kaya sila nakapasok kaya kinakabahan ako nung oras na iyon.

Ako ay 4th na magsispeech, after ni Ate Riz. I remember na ang question ko ay:

"PACUCOA accredited CCC Level 1. For you as a student of CCC, what are the changes you would like to see for us to be granted Level 2?"

Hindi po exact yung question basta may idea siyang ganun. Buti nalang di ako namental block, tinulungan rin ako ni Ate Arielle Alejandro (Editor-in-chief namin sa Ginintuang Uhay) nang kaunti, at nai-apply ko naman.

Then after the last speakers, awarding na, and with God's grace, I ranked 3rd our of the 11 speakers (yehey!) may trophy kasi.
* 2nd si Kuya Michael Atienza (3rd year)
* 1st si Ate Arielle Alejandro (4th year)
February 20, 2008: A very special day, 'cause it's my birthday! Sa taong ito, ako ay isa nang ganap na adolescent, 14 years old.

March 2008: I forgot the date of our Recognition Day, but I shouldn't forget it but I still forgot it (ang gulo :D) 'cause that was the day that I first experienced to suffer from chickenpox (bulutong)! Kaya pala ako matamlay nung marching na sa event at mainit ay dahil symptoms na iyon ng bulutong: fever and weakening of body.

Pagkatapos ng event, umuwi kami kaagad, at nakita ng mom ko na may red spots ako sa binti, at kanyang conclusion ay bulutong. Huhuhu...:(
I suffered for almost 2 weeks, buti nalang bakasyon na. Naranasan kong hindi maligo for 14 days pero naligo parin ako gamit ang.... colantro. Hay....

Naalala ko, pinandidirihan ko ang aking balat sa sobrang dami ng spots, ang ambok lahat, ayoko nang i-remember. Basta, suffer ako nun.
March - April something 2008: First time kong ma-addict sa isang Asianovela galing Taiwan, yun ang Hanazakarino Kimitachihe (Hana Kimi), na naging dahilan ng aking pagbili ng DVD sa sobrang fan ng show. Naging fan club member din ako ni Wu Chun at Ella Chen.

April 19-24, 2008: 6 days ng aming BOC seminar para maging Student Catechists. KAMI = III - St. Albert the Great. Ito ay ang first time kong pumasok sa summer vacation. 9 hours per day, hay... Buti may focus pa akong makinig doon, at for some time, kami ni Juzelle, classmate and best friend ko, nagka-countdown.
April 2008: I can't remember the date pero nang dumating pinsan kong si Ate Shayne Rinon upang magbakasyon sa Angono Rizal, may pasalubong siya: Krispy Kreme doughntuts flavored Hershey's Special Dark Chocolate at Hershey's Kookies and Kreme. First time kong makakain sa ganung kamahal na doughnut, P38 per doughnut! Sulit naman kasi napakasarap lalo na yung Dark Chocolate, first doughnut ko sa KK ever. Hindi ko natype yung Kookies and Kreme, nakakasuka, pero kailangang kainin.

Nakaranas din ako ng parang hindi perfect na "alignment" ng aking left jaw na pag ako'y nag-oopen mouth, umuuga siya. I'm still feeling it right now.

May 2008: Buong month, ngunit paputol-putol, first time kong magturo ng Catechesis at sa mga bata. Nahati ang III - St. Albert the Great sa mga groups, at ang grupo namin nina Ate Riz, Czarina Eustaquio, Roemer Timbre, Melissa Gutierrez, MM Javiniar, Sharmaine Florante at Kuya Joed Abad ay nadestino sa chapel sa Mayflower (Greenland, Cainta Rizal). Doon kami ay nagturo ng mga topic about Jesus and moral values.
Makumpleto ko rin ang SpongeBob DVDs, from "Anchor's Away" up to "Whale of a Birthday"!
May 10, 2008: Ang Dolores clan ay nagpunta sa Laguna upang magbakasyon at magswimming. Nakalimutan ko na yung pangalan ng resthouse, kung saan kami nag-overnight at nagbabad sa tubig. Ang sarap dun, promise :D Visit http://padj.multiply.com/ for the pics.

June 2008: Naging, of course, Third Year High School student ako. :D

Na-elect din akong class President ng III - St. Albert the Great, in short, first ever president ako ng III - St. Albert the Great :D

*3rd Year Life so far: Sa period na ito, first time kong magpunta sa iba't-ibang bahay upang magpractice or anything related for the project. Ang mga napuntahan ko ng mga bahay ay kina:

Lance (once), Juzelle (4x), Liza (2x), Ludivinia (once), Kuya Joed (labas, once), Ate Sharms (twice), Jessa & Jessica (outside, once), Raisa (3x), Ate Camille (once - napakaganda! :D), MM (outside; once)
July 2008: First time kong magsuffer sa isang "sakit" na umabot hanggang December 5, 2008, sumasakit lagi ang left thigh ko pag umuupo. Buti wala na ngayon.
Bumili rin ako ng aking 3rd pair of glasses, whose grado is: 150+, 50+

August 8, 2008: 888 - The day when I officially opened the 5th season of my own version of
"Deal or No Deal", starting at my 373rd episode.
September 2008: I joined the "Spanglers" club, YouTube and signed up for Blogger!

October 16, 2008: Hiniram ko kay Clarence Philip Santos, classmate and friend ko, ang installer ng Mystery Case Files: 4-in-1, dahilan kung bakit ako nakapaglaro nang complete at walang limit! Tagal ko na ring pinangarap na malaro iyon. Ang mga nakasama ay "Huntsville" (Case # 8 na ako as of now), "Madame Fate" (finished), "Prime Suspects" (finished) at "Ravenhearst" (finished). Thanks to Clarence!

November 2008: In one week (during fiesta break), nanuod ako ng sangkatutak na horror/ slasher films, those were listed and their posters were in my post, "Red Letter Day".


November 30, 2008: Time when I bought my 2nd Nokia Cellphone, Nokia 5310 Xpress Music. Ang Nokia N70 ko ay hiningi ng mom ko at yung 5310, reward for being an achiever hehe :D

December 2008: Halos buong month, naglaro lang ako ng MCF (Mystery Case Files), tinapos ko na yung tatlo, "Huntsville" nalang. Good thing, top agent ako sa "Madame Fate" 7th, "Ravenhearst", 6th at "Prime Suspects", 5th.


December 1, 2008: I started collecting Coke smile caps to obtain Coke smile glasses.

December 5-6, 2008: In my post, "Red Letter Day", days of sleepless pleasure, almost 24 hours of no sleep dahil sa Youth Camp sa Antipolo na "walang tulugan".

December 10-11, 2008: Retreat again in Angono Rizal (Loyola Retreat House). Second time kong magretreat of course na overnight.


December 19, 2008: Christmas Party ng St. Albert the Great! Hirap maging host.

December 22, 2008: Date when we visited Mrs. Vergie Mendoza's funeral. Yun ang first time kong makapunta sa Antipolo City at sa isang funeral at nakakita ng isang corpse ng tao.

* Year 2008 din ang first year ko na may mamatayan akong mga naging teacher: Mrs. Mendoza and Mrs. Lineses.
December 25, 2008: We celebrated Christmas sa Mandaluyong City, Dolores Reunion. Doon, nakatanggap ako ng napakagandang gift ni Ate Shayne na SpongeBob Alarm Clock, galing DV. Pati na rin SpongeBob plush toy from mommy. Masaya kaya lang na-bored ako, walang YM. :D
- At sa wakas, nakumpleto ko rin ang Coke smile glasses! May excess na 2 glasses.

* 2 red, 2 yellow, 1 green, 1 purple & 1 orange.

December 27-28, 2008: Umuwi kami sa Luisiana, Laguna upang magbakasyon at magrelax at umattend ng Raflores Reunion (Paskuhan). Masaya, ang napamaskuhan ko ay P4, 130. :D Masayang bumalik doon, sariwa ang hangin, pero umuulan lagi, kasi nasa mountains na. Halos 2 taon na kaming hindi umuuwi run kaya kami bumalik dun.

December 29, 2008: First time kong gumawa ng commercial, spoof: Coca-Cola na naging "Tiktik", project in Arts.
December 29-30, 2008: Ang dalawang araw na ito ay napakamemorable 'cause first times kong umuwi ng 8-9 ng gabi dahil sa project. Halos mag"transform" na ang mom ko sa sobrang "galit" sa pagiging gabi na kung umuwi.

* Pumunta kami ng grupo namin kina Ate Cam, at nakilala si SAM.

December 31, 2008: I am typing this post. Later at midnight, tatalon ako para mas tumangkad pa. Nakumpleto na rin namin yung 12 round fruits para swerte raw. Welcome 2009!

* Hay... Ang daming nangyari sa akin ngayong 2008. May suffering at blessings din. At least, fruitful ang year na ito at buo pa rin family namin. Hay... 2009 naman, ano kaya ang mga mangyayari sa akin. Abangan nalang... :D

Wednesday, December 17, 2008

The Road Not Taken

"The Road Not Taken"
by Robert Frost

Two roads diverged in a yellow wood,
And, sorry I could not travel both
And be one traveler, long I stood
And looked down one as far as I could
To where it bent in the undergrowth;

Then took the other side, as just as fair,
And having perhaps the better claim,
Because it was grassy and wanted wear;
Though, as for that, the passing there
Had worn them really about the same,

And both that morning equally lay
in leaves no step had trodden back.
Oh, I kept the first for another day!
Yet, knowing how way leads on to way,
I doubted if I should ever come back.

I shall be telling this with a sigh
Somewhere ages and ages hence:
Two roads diverged in a wood, and I-
I took the one less travelled by,
And that has made all the difference

This poem is very beautiful for me. It tells about a "traveller", a person who looks for a greener pasture as he made his way in the yellow woods, wherein there are two roads in different directions.

Some lines have very meaningful significance. They are written in simple English but they have deeper meaning that will truely inspire the readers.

Two roads diverged - symbolizes two options in life. These may refer to our choices when we are going to decide what kind of life are we going to partake in. The roads in the poem are very much different from one another:

* One road is grassy, meaning it has the features of abundance, enough harvest and rich vegetation. The road that many would choose for it is rich in let's just say, the "daily needs of life" are provided.

* The other road is the opposite of the road above. It is lifeless, less grassy, less abundant and has poor vegetation.

A yellow wood - "autumn" season features trees with yellow leaves. This symbolize the few years of a person's life as the leaves continue to fall one by one, it resembles to our life which in every moment it decreases.
No step had trodden back - symbolizes our final decision/s, in which in every step or decision that we make, we cannot turn back on it or we cannot change it anymore since the consequences are already coming.
The road less traveled by - the road that the persona took. It is the one that is less grassy, less abundant and has poor vegetation. This is the "risky" road.
The poem actually tells us that whatever decision we make in our life, we cannot change it anymore. Even if we take the risky decision, we must always keep in mind that it is always in the matter of our process of how will we be able to go to the end of the road (goal). Process may change.

Badges



Proudly Pinoy!