Sa 15 taon kong pamumuhay sa mundo, marami na agad akong napapansin. Wala lang, gusto ko lang i-share ang mga kakaibang napapansin ko na pag nalaman niyo na ay mapapasabi kayo ng “oo nga noh..”
1. Kapag nag-aabang ako ng sasakyan, kung ano yung lugar na pupuntahan ko, yung ang madalang na dumaan.
1. Kapag nag-aabang ako ng sasakyan, kung ano yung lugar na pupuntahan ko, yung ang madalang na dumaan.
For example, ako ay nag-aaral sa Cainta at kapag nag-aabang ako ng sasakyan, dapat nakalagay ay “Taytay, Parola”. Kapag Monday-Friday (mga araw ng pasok), madalang dumaan ang mga sasakyang may signboard nito. Pero kapag Saturday-Sunday, sangkatutak na “Taytay, Parola” ang dumadaan at pag gusto kong pumunta sa SM Taytay, yun naman ang madalang dumaan pero kapag Mon-Fri, halos lahat nakalagay: “SM Taytay”.
2. Kung ano ang gusto mo, yun ang wala
Kapag namimili sa mall, halimbawa sapatos o damit. Kung ano yung magustuhan kong damit/ sapatos, sasabihin ng saleslady: “Ay sir, wala na pong ganyang size”. Hay naku...
3. Kung nagbaon ka ng “snackables” o kahit anung pagkain sa school, mas mauuna ang iba na makatikim/ makasubo at makakain ng binaon mo.
3. Kung nagbaon ka ng “snackables” o kahit anung pagkain sa school, mas mauuna ang iba na makatikim/ makasubo at makakain ng binaon mo.
Lagi ko itong nararanasan sa school. Halimbawa, nagbaon lang ako ng “Pringles”, “Piknik” o “Loacker”, kapag nilabas ko mula sa bag ko, what to expect? “Pahingi Patz”. Kapag nabuksan ko na, sila ang nauuna sa akin na makakain o minsan, wala na akong nakakain. :D
4. Kung ano ang uso, yun ang ginagaya ng lahat. Malaos ka lang nang kaunti, poof! Wala na ang pinauso mo.
Napansin ko rin niyan. Halimbawa, na-uso ang buhok at porma ng F4, di mo namamalayan, nawala lang ang “Meteor Garden”, wala na rin ang mga manggagaya.
5. Kung sino ang kamamatay lang, siya pa ang pinakasikat at ngayon lang pinapansin.
Most recent example ay si Michael Jackson, kung kailan namatay tiyaka pinatugtog ulit ang mga kanta niya. Nung naging matahimik siya for 5-6 years, bihira mong marinig iyon.
Hay, ang tao talaga iba’t iba ang karanasan at hilig. Diba tama naman ang mga nakalagay sa itaas? Just want to share again to the readers. xD I’m running out of ideas for my posts kasi.
1 remarks:
oo nga noh???..hahhaha
Post a Comment