Saturday, July 11, 2009

Drama sa Loob ng Kahon

Ayan, ako’y nagbabalik sa aking pananagalog dito sa aking blog bilang paghahanda sa Buwan ng Wika kahit ito’y malayo pa! x) Hay, tama na muna ang nakakadugo-ng-ilong na pag-iingles at bigyang-pahinga muna ito sa loob ng 1 buwan.

Ang post kong ito ay batay sa aking mga napapansin at napapanuod. Ibabahagi ko sa mga magbabasa ng aking blog ang tinatawag kong “Teleserye Factors”. Halos lahat ng mga Pilipino ay mahilig manuod ng mga teleserye/ teledrama o kahit ano pa mang tawagin lalo na ang nanay, katulong at minsan kapag naimpluwensiyahan ay mga anak at mga tatay. Sa dami ng napanuod kong mga drama sa TV, marami akong napansin sa mga ito.

1. 99.9% ng mga teleseryeng napanuod ko (mapagawang-Pilipino, Mexican o Asyano) ay puro nalang “love triangle”. Kung hindi man love triangle ay susubok ng ibang shape, “love square” naman. Hay... talaga naman oo, 2 babae na nag-aagawan sa iisang lalake, 2 lalake na nag-aagawan na halos magkamatayan sa isang babae o pwedeng “mahal kita, mahal mo siya, mahal niya ay iba” na mga bagay. Wala nabang ibang lalake/ babae sa mundo? Bakit pinag-aagawan pa nila eh andami pa namang mga available pakalat-kalat? :D

2. 48% ng mga napanuod ko ay umiikot sa hacienda ng karakter sa serye lalo na ang mga mayayaman.

3. 98% ng mga serye ay may mayayaman na mga kontrabida at ang bida ay lagi nalang mahirap. Lagi nalang kinakawawa ang bida. Hay..

4. 86%: May kuwento rin na ang karakter sa una (lalo na ang bida) ay mahirap pero may mga lihim pala at malalaman niya na anak pala siya ng isang mayaman.

5. 92.35% Kapag yumaman na ang dating mahirap na karakter, isa lang ang kanyang dapat gawin: anu pa ba edi maghiganti. Lagi nalang ganun :D

6. 75% Ang mga katulong na nanunungkulan sa isang mayaman ay maiinlab sa kanyang amo. 11 % naman ay nainlab ang employee sa kanyang boss.

7. 96% ng mga kuwento ay puros agawan ng kayamanan, ng asawa, ng hacienda na naman at lahat ng pwedeng agawin! :D

8. 99.1% ng mga napanuod ko ay may sampalan. Kapag hindi nakuntento ang character, sasabunutan naman niya yung isa kahit maiksi buhok nun.

9. 95.111% Kapag nagagalit ang isang karakter, iisa lang ang gagawin niya: ihahagis lahat ng gamit na makikita niya sa eksena na may kasamang “luhod” at “dabog” factor. :D

10. 99.99% Ito ang isang napakacommon: Magkagalit kunwari ang nagmamahalan. Si babae, kunwari, sasabihin niyang “hindi na kita mahal/ hindi kita maaaring mahalin/ hindi kita kailangan/ ayoko na kitang makita!” tapos aalis na si lalake. Pag umalis na si lalake, tiyaka naman iiyak si babae o kaya’y hahabulin yung lalake. Haha!

11. 23% Umiikot ang storya sa ipinamana o nawawalang alahas: singsing, may kuwintas na mag-uugnay sa nagkahiwalay na kasintahan/ kapatid etc.

12. 86% Magkapatid, pinaghiwalay ng tadhana tapos pag malaki na, ang iniibig ng isa ay iniibig ng kapatid kaya labanan na nilang dalawa! :D

13. 97% Okay na ang lahat, kasal na ang nagmamahalan o kaya’y malapit ng ikasal. Hahabaan pa ang storya. Paano? Maaaksidente si lalake/ babae tapos anung sunod? No other than amnesia. May nakilalang bagong babae yung lalake tapos magseselos yung talagang partner niya, love triangle nanaman.

14. 98% Ang kasal na nagmamahalan ay masisira dahil sa isang “woman”. 3rd party/ adultery = kabit.

15. Lastly, sa love triangle, ang isa run, mostly nagpaparaya na lang. Oww..

16. Ay pahabol! Mahilig nga palang magpalayas ang mga magulang sa mga teleserye. Pansin niyo? :D

Totoo lahat ‘yan kasi lagi kong nakikita. Kung may kulang, dagdag niyo nalang or kung may mali, comment niyo po agad! :D


-FIN-

2 remarks:

raiChie_0823 said...

tama-tama..

hahahaha..

nice post :D

Marianne said...

Kuya Patz! Ang galing-galing mo talaga! Napaka-observant mo! Love your post! <3

Badges



Proudly Pinoy!