Anung prutas ang nananakot?
-Joke ng aking kaibigan na si Winnie Robles Eliab :D
Agosto na! Ibig sabihin ay buwan na ng Wikang Filipino at dapat ay gamitin ito nang husto at maayos ng mga Pilipino. Kaya ito ako ngayon ay bagbabalik sa paglalagay ng “post” sa wikang Filipino.
*Ang mga susunod kong "post" ay maaaring nasa wikang Ingles pa rin dahil na-"type" ko na sa MS Word x)
Ang aking nararamdaman ngayon ay kaba at kaunting takot sapagkat nalalapit na ang pagsusulit sa UP at kailan ito? BUKAS NA! Talagang kinakabahan ako dahil may mga naglalaro sa aking isipan na baka bumagsak ako, sobrang hirap ng mga tanong, ano kaya ang pakiramdam na hanapin mag-isa ang Palma Hall (doon ako kukuha ng pagsusulit) at iba pa. Sa kasalukuyan, habang ginagawa ko itong “post” na ito ay iba sa aking mga kaklase ay kumukuha na at nagsasagot ng UPCAT. Ngayon ay kung napapansin po ninyo ay hindi ko na maasikaso nang husto ang aking blog, kung dati ay laging may “post” araw-araw, ngayon ay sa isang linggo ako gumagawa ng “post”.
Ito na marahil ang huli kong “post” sa panandalian dahil ako ay nag-aaral nang husto para bukas. Kakasimula ko nung bakasyon ngunit sa kasamaang palad ay nakalimutan ko ang karamihan sa aking mga napag-aralan kaya babalikan ko sila. Walang pasok ngayon kaya ako’y tumitingin ng mga impormasyon mula sa “internet” at sa buong 24 oras marahil ay mag-aaral ako (kahit mali dahil walang tulog x( ). Hay, kailangan ko pang manuod ng mga palarong palabas sa telebisyon upang may karagdagan akong matutunan (para sa “General Information”). Ngayon, problemado pa rin ako sa Matematika, litong-lito pa rin sa paghanap ng kung anu-ano sa bilog, pagkuha ng edad ng tao at iba pa. Sa Agham, pisika ang hindi ko pa masyadong napag-aaralan: ang pagkuha ng “velocity”, mga pormula sa pagkuha ng “acceleration” at iba pa. Marami pa akong hindi nalalaman!
Paalam muna! Hay...andami ko talagang iniisip dahil lahat ng 9 na asignatura namin ay may proyekto at karamihan ay ipapasa sa susunod na linggo (binigay sila nung Huwebes lamang). Dinagdagan pa ng UPCAT na lalo pang nagpa-“stress” sa akin. Tapos ko na ang pag-aaral sa asignaturang Ingles, may 4 pa: Agham, Matematika, Filipino (Florante at Laura nalang) at General Information. Alam ko na kaya ko ito basta’t nandyan si BRO!
Piliin Ang Pilipinas
6 months ago
3 remarks:
wag kang masyadong kabahan sa exam dahil madali lang un,tsaka kapag mataas ang grade mo nung 3rdyear ka,un ang magdadala nun..kaya wag ka na kabahan..kaya mo yan!Ü
haz patz....aus lng yan..caryy natin toh... :D
natawaako sa joke kahit corny haha
Post a Comment