* This is my first "taglish" post...
Wow, ang bilis ng panahon! Parang kailan lang yung mga araw na nagdaan ngayong 2008. Itong post na ito ang last ko para sa taong ito, at bukas ay year 2009 na. Imaginin niyo yun! Ang taong ito ay napakamemorable sa buhay ko sapagkat marami akong mga naranasan, nadiscover, napuntahan, nakilala, napatunayan at iba pa. Ang post kong ito ang siyang parang "recap" sa buong 2008, as I reminisce this period of time.
Year 2008
January 1, 2008: Ang first day ng 2008, kung kailan kaming Dolores clan ay tumungo papuntang Pasay City at nagcelebrate ng New Year sa SM Mall of Asia. First time kong makapunta roon, na last year, pinapapangarap kong mapuntahan dahil halos lahat ng mga "CCCians" ay nakapunta run, na-oOP ako sa mga stories nila pag pumupunta sila roon, but good thing I waited dahil nakapunta na rin ako sa wakas!
Grabe pala ang MOA, ang laki! Halos mahilo ako sa kakalakad at parang hours na ang lumilipas kapag naglalakad ka roon! Di mo akalaing mall yun talaga, "nakalutang" sa tubig! :D Sabi ng lolo ko, ang sementong tinatapakan doon ay dating tubig.
3:04pm: Naalala ko pa rin yung time, kaming 5 Dolores cousins ay pinayagan na pumunta sa "Science and Discovery Center" sa MOA. Ang mahal nga ng ticket, buti nilibre kami ng mga parents at tito namin, P350 per person in 5 hours.
When we entered, kami ay nanood muna sa "planetarium". Yun ang 2nd time kong makapunta sa planetarium, first ay yung Field Trip ko sa dati kong school nung Grade 3 ako. Napakarealistic ng view na parang nandun ka sa pinapanood mo, isama pa ang SFX (sound effects), fantastic!
Pagkatapos ng 1 hour na panonood, kaming 5 ay nagtungo sa loob. Doon may mga robot, inventions, dun ko rin nalaro yung "Mystery Case Files: Prime Suspects" sa maliit na oras at "Wheel of Fortune" sa computers dun. Siyempre, di nawala ang picture-taking: sa aquarium, sa mga giant robots, sa hagdan, sa trivias, maging dun sa "Burping Machine" at "Bacteria Center". Naadik din kami sa pakikipag-compete sa "Grossology", nananalo kasi kami..... :D At bago kami umalis, kami ay nagpapicture dun sa isang booth na ine-edit yung background, napili namin yung may mga planets.
Ang mga pictures namin sa SADC ay nasa photos ko, "Mall of Asia Scenes" sa http://profiles.friendster.com/patrickjuacalla.
January 18, 2008: First time kong makabili at magkaroon ng Nokia cellphone since my first cellphone was Siemens C62. Ang nabili namin ay ang Nokia NSeries na N70. I chose the black theme of the phone which costs P11,000 until now.
February 9, 2008: Date ng competition (Biology Quiz Bee) namin sa UP Los Bańos. Kasama ko sina kuya Karl Patrick Daliposa at Carlo Nikko Calarion. Si Lance Gerome A. Dela Cruz, my best friend, observer siya. Kasama rin sina Mrs. Cherrie Usares at Mr. Vic Gammad (coaches).
Kami ay talagang nangapa sa Quiz Bee dahil wala sa aming naibigay na pointers, yung ibang school meron. Ito ay nahati sa dalawang bahagi: Written Exam and Oral Exam.
Di ko na matandaan kung anu-ano mga score naming tatlo sa Written. Tapos sa Oral, nakakasagot kami kaya lang medyo mahirap yung scoring (Easy, Average, Difficult):
Correct: 5, 10pts.
Wrong: no score
No Answer: 3 pts.
Most of the times, no answer kami, ang hihirap ng tanong kasi, puro "scientific name" na hindi namin napapag-aralan. Playing safe as to say.
At ganoon, nabigo kaming makapasok sa top 3 schools, in short, we lost. But it's okay, at least our score was -11 pts. :(
At least nakapunta kami UP :D
February 14, 2008: Valentine's Day, pero hindi ako nakipag-date! Date ito ng finals ng "Impromptu Speech Contest" namin sa school. Nakapasok ako sa elimination nung November 29, 2007, ranked 1st :D . Kabadong-kabado ako nung time na iyon, kasi 2nd Year palang ako, 13 y/o, may kalaban na 16 y/o (4th year) at pilot section pa.
Sa year level, ang kasama kong kabatch na friends ko rin ay sina Ate Mariz R. Ponti at Frances Anne G. Brecia. Magagaling silang lahat siyempre kaya sila nakapasok kaya kinakabahan ako nung oras na iyon.
Ako ay 4th na magsispeech, after ni Ate Riz. I remember na ang question ko ay:
"PACUCOA accredited CCC Level 1. For you as a student of CCC, what are the changes you would like to see for us to be granted Level 2?"
Hindi po exact yung question basta may idea siyang ganun. Buti nalang di ako namental block, tinulungan rin ako ni Ate Arielle Alejandro (Editor-in-chief namin sa Ginintuang Uhay) nang kaunti, at nai-apply ko naman.
Then after the last speakers, awarding na, and with God's grace, I ranked 3rd our of the 11 speakers (yehey!) may trophy kasi.
* 2nd si Kuya Michael Atienza (3rd year)
* 1st si Ate Arielle Alejandro (4th year)
February 20, 2008: A very special day, 'cause it's my birthday! Sa taong ito, ako ay isa nang ganap na adolescent, 14 years old.
March 2008: I forgot the date of our Recognition Day, but I shouldn't forget it but I still forgot it (ang gulo :D) 'cause that was the day that I first experienced to suffer from chickenpox (bulutong)! Kaya pala ako matamlay nung marching na sa event at mainit ay dahil symptoms na iyon ng bulutong: fever and weakening of body.
Pagkatapos ng event, umuwi kami kaagad, at nakita ng mom ko na may red spots ako sa binti, at kanyang conclusion ay bulutong. Huhuhu...:(
I suffered for almost 2 weeks, buti nalang bakasyon na. Naranasan kong hindi maligo for 14 days pero naligo parin ako gamit ang.... colantro. Hay....
Naalala ko, pinandidirihan ko ang aking balat sa sobrang dami ng spots, ang ambok lahat, ayoko nang i-remember. Basta, suffer ako nun.
March - April something 2008: First time kong ma-addict sa isang Asianovela galing Taiwan, yun ang Hanazakarino Kimitachihe (Hana Kimi), na naging dahilan ng aking pagbili ng DVD sa sobrang fan ng show. Naging fan club member din ako ni Wu Chun at Ella Chen.
April 19-24, 2008: 6 days ng aming BOC seminar para maging Student Catechists. KAMI = III - St. Albert the Great. Ito ay ang first time kong pumasok sa summer vacation. 9 hours per day, hay... Buti may focus pa akong makinig doon, at for some time, kami ni Juzelle, classmate and best friend ko, nagka-countdown.
April 2008: I can't remember the date pero nang dumating pinsan kong si Ate Shayne Rinon upang magbakasyon sa Angono Rizal, may pasalubong siya: Krispy Kreme doughntuts flavored Hershey's Special Dark Chocolate at Hershey's Kookies and Kreme. First time kong makakain sa ganung kamahal na doughnut, P38 per doughnut! Sulit naman kasi napakasarap lalo na yung Dark Chocolate, first doughnut ko sa KK ever. Hindi ko natype yung Kookies and Kreme, nakakasuka, pero kailangang kainin.
Nakaranas din ako ng parang hindi perfect na "alignment" ng aking left jaw na pag ako'y nag-oopen mouth, umuuga siya. I'm still feeling it right now.
May 2008: Buong month, ngunit paputol-putol, first time kong magturo ng Catechesis at sa mga bata. Nahati ang III - St. Albert the Great sa mga groups, at ang grupo namin nina Ate Riz, Czarina Eustaquio, Roemer Timbre, Melissa Gutierrez, MM Javiniar, Sharmaine Florante at Kuya Joed Abad ay nadestino sa chapel sa Mayflower (Greenland, Cainta Rizal). Doon kami ay nagturo ng mga topic about Jesus and moral values.
Makumpleto ko rin ang SpongeBob DVDs, from "Anchor's Away" up to "Whale of a Birthday"!
May 10, 2008: Ang Dolores clan ay nagpunta sa Laguna upang magbakasyon at magswimming. Nakalimutan ko na yung pangalan ng resthouse, kung saan kami nag-overnight at nagbabad sa tubig. Ang sarap dun, promise :D Visit http://padj.multiply.com/ for the pics.
June 2008: Naging, of course, Third Year High School student ako. :D
Na-elect din akong class President ng III - St. Albert the Great, in short, first ever president ako ng III - St. Albert the Great :D
*3rd Year Life so far: Sa period na ito, first time kong magpunta sa iba't-ibang bahay upang magpractice or anything related for the project. Ang mga napuntahan ko ng mga bahay ay kina:
Lance (once), Juzelle (4x), Liza (2x), Ludivinia (once), Kuya Joed (labas, once), Ate Sharms (twice), Jessa & Jessica (outside, once), Raisa (3x), Ate Camille (once - napakaganda! :D), MM (outside; once)
July 2008: First time kong magsuffer sa isang "sakit" na umabot hanggang December 5, 2008, sumasakit lagi ang left thigh ko pag umuupo. Buti wala na ngayon.
Bumili rin ako ng aking 3rd pair of glasses, whose grado is: 150+, 50+
August 8, 2008: 888 - The day when I officially opened the 5th season of my own version of
"Deal or No Deal", starting at my 373rd episode.
September 2008: I joined the "Spanglers" club, YouTube and signed up for Blogger!
October 16, 2008: Hiniram ko kay Clarence Philip Santos, classmate and friend ko, ang installer ng Mystery Case Files: 4-in-1, dahilan kung bakit ako nakapaglaro nang complete at walang limit! Tagal ko na ring pinangarap na malaro iyon. Ang mga nakasama ay "Huntsville" (Case # 8 na ako as of now), "Madame Fate" (finished), "Prime Suspects" (finished) at "Ravenhearst" (finished). Thanks to Clarence!
November 2008: In one week (during fiesta break), nanuod ako ng sangkatutak na horror/ slasher films, those were listed and their posters were in my post, "Red Letter Day".
November 30, 2008: Time when I bought my 2nd Nokia Cellphone, Nokia 5310 Xpress Music. Ang Nokia N70 ko ay hiningi ng mom ko at yung 5310, reward for being an achiever hehe :D
December 2008: Halos buong month, naglaro lang ako ng MCF (Mystery Case Files), tinapos ko na yung tatlo, "Huntsville" nalang. Good thing, top agent ako sa "Madame Fate" 7th, "Ravenhearst", 6th at "Prime Suspects", 5th.
December 1, 2008: I started collecting Coke smile caps to obtain Coke smile glasses.
December 5-6, 2008: In my post, "Red Letter Day", days of sleepless pleasure, almost 24 hours of no sleep dahil sa Youth Camp sa Antipolo na "walang tulugan".
December 10-11, 2008: Retreat again in Angono Rizal (Loyola Retreat House). Second time kong magretreat of course na overnight.
December 19, 2008: Christmas Party ng St. Albert the Great! Hirap maging host.
December 22, 2008: Date when we visited Mrs. Vergie Mendoza's funeral. Yun ang first time kong makapunta sa Antipolo City at sa isang funeral at nakakita ng isang corpse ng tao.
* Year 2008 din ang first year ko na may mamatayan akong mga naging teacher: Mrs. Mendoza and Mrs. Lineses.
December 25, 2008: We celebrated Christmas sa Mandaluyong City, Dolores Reunion. Doon, nakatanggap ako ng napakagandang gift ni Ate Shayne na SpongeBob Alarm Clock, galing DV. Pati na rin SpongeBob plush toy from mommy. Masaya kaya lang na-bored ako, walang YM. :D
- At sa wakas, nakumpleto ko rin ang Coke smile glasses! May excess na 2 glasses.
* 2 red, 2 yellow, 1 green, 1 purple & 1 orange.
December 27-28, 2008: Umuwi kami sa Luisiana, Laguna upang magbakasyon at magrelax at umattend ng Raflores Reunion (Paskuhan). Masaya, ang napamaskuhan ko ay P4, 130. :D Masayang bumalik doon, sariwa ang hangin, pero umuulan lagi, kasi nasa mountains na. Halos 2 taon na kaming hindi umuuwi run kaya kami bumalik dun.
December 29, 2008: First time kong gumawa ng commercial, spoof: Coca-Cola na naging "Tiktik", project in Arts.
December 29-30, 2008: Ang dalawang araw na ito ay napakamemorable 'cause first times kong umuwi ng 8-9 ng gabi dahil sa project. Halos mag"transform" na ang mom ko sa sobrang "galit" sa pagiging gabi na kung umuwi.
* Pumunta kami ng grupo namin kina Ate Cam, at nakilala si SAM.
December 31, 2008: I am typing this post. Later at midnight, tatalon ako para mas tumangkad pa. Nakumpleto na rin namin yung 12 round fruits para swerte raw. Welcome 2009!
* Hay... Ang daming nangyari sa akin ngayong 2008. May suffering at blessings din. At least, fruitful ang year na ito at buo pa rin family namin. Hay... 2009 naman, ano kaya ang mga mangyayari sa akin. Abangan nalang... :D