Thursday, January 29, 2009

Irony of Events

Ngayong araw na ito sa aming paaralan ay puno ng kapaguran kahit wala masyado kaming ginawa kanina kung hindi magsayaw nang magsayaw nang magsayaw. Talagang pinaghahandaan namin ang JS Prom dahil once a year at twice in our lives lamang ito. Siyempre, to make it more special, dapat maganda rin ang sayaw namin.

Puro kami practice kanina sa class hours namin. Kalahati na ng "Da Coconut Nut" ang nagawan namin ng steps at since hindi pa ito tapos, magkakaroon kami ng aking mga kagrupo ng general practice kinabukasan, upang maayos na ito.

Ang sumunod naman naming sinanay ay ang aming presentasyon ng "The Congo", of course still under the supervision of the very much talented Ms. Riz and with Pau's assistance. Kahit sa stage kami nagperform, ang sikat ng araw kahit 8:00am ay mainit na kaya kinailangan kong magsuot ng sumbrero upang hindi himatayin (upang hindi na maulit ang nangyari sa akin nung nakaraang araw: ("Dinaya ko ang Aking Kamatayan/ Kapalaran")

Nang matapos kami sa "The Congo", kami ni VP close friend Ate Sharms ay nagpaalam kay Bb. Cenie Moreno at sa iba pa naming mga guro kung maaari bang magsanay para sa JS Prom. Pumayag sina Gng. Cruz, Bb. Brequillo pati rin si Gng. Amalia, na laking pasasalamat namin! :D Nung time namin sa Chemistry, ang akala namin ay magtuturo pa rin si Bb. Cenie, ngunit pumunta lamang siya sa silid-aralan namin upang pumirma sa attendance sheet namin. Pumayag din siya! Nang dahil sa mga pagpayag nila, mula 8:30am - 1:00pm; 2:00pm - 4:00pm, wala kaming classes, dance classes meron! :D

Sa room kami muna nagpractice hanggang sa kami'y tuluyang lumabas. Pawang may Christmas Party ang aming silid-aralan dahil inikot namin ang aming mga upuan. Sari-sari ang aking mga naging kapartner kanina: ang aking original partner, Frances, si MM, Raisa at si Apple (Jenica).. Ang saya talagang sumayaw kaya lang pag sumobra, mapapagod ako at ayoko nang mahimatay muli. x(

Nagsayaw lang kami nang nagsayaw. Para talagang "free day" ang araw ngayon. Maaaring lumabas, kumain at ang best ay walang lessons! Relaxing pero physically hindi dahil nangalay ang mga binti namin sa kakasayaw.

Ngayon din ay naglabas ng sama ng loob si Edexa, na ako'y umiyak din ako sa loob-loob ko. Nilagay na rin niya ang replacement para sa "A Night to Remember", ang "Can I Have This Dance?". Tapos yung mga finishing steps din. Tinuro rin nila ni Czarina ang mga steps sa St. Francis, kasabay din ng tindi ng sikat ng araw. Halos maging oil spill ang mukha ko sa dami ng langis at pawis na lumabas sa noo ko at halos maging tsokolate ako sa init, medyo umitim ako. Inisip ko nalang, PROM ito, PROJECT din ito.

Nakita ko rin ang iba't-ibang pag-uugali ng mga students ng CCC kanina. May mga mainitin ang ulo, hyperactive, senti at may mga nag-emote. Katulad nalang ni Kaila na nagselos sa kasayaw ni Kuya Joed na nagpapaturo ng steps. I admit, nakakakilig yung dalawa pag ganun. Nang matapos iyon, nagsayaw silang dalawa. (love was in the air kanina). Habang ang iba ay nagbreak muna, ang nakasayaw ko ay si Jessa. Nakakapagod talaga! Ubos na ang tubig ko, bumili ako ng dalawang cup ng ice cold Milo para mapawi ang aking uhaw, buti nalang kasama ko lagi si Apple! :D

Nang mag-12, kami ay pumasok muli sa room, upang magpahinga. Hindi ko namalayan sa sobrang pagod, nakatulog ako sa room, sabi ni Raisa, nakanganga raw ako, pero patago :D! First time kong matulog sa classroom, inabot iyon ng 40 minutes. Nagising ako nang marinig ko boses ni Gng. Galvez na maghanda ng 1/2 crosswise para sa quiz. Kumain ako ng lunch at kami ay nagtake ng quiz. Sadly, 24/25 lang ako, isa na lang, nasulat ko kasi "paangkin" instead of "nag-aangkin". Inaantok pa kasi ako nun eh, sayang!!

Matapos ang quiz, nakita ko ang funny side ni Gng. Galvez, pinatawa niya kaming lahat nang kanyang sabihin na kumukha ni Ochie si Patrick Atienza at ang consequence na nakuha niya sa "BC Apple" na hawakan ang kamay ng crush niya. Hinawakan niya ang kamay ni Kuya Joed, na nakita ni Gng. Galvez, hanggang ito'y mapunta sa tuksuhan at aminan at nalaman din ng aming guro na si Chx (MC) ang crush ni Ochie! :D

Pagkatapos ay nagsayaw na naman kami, 2:00pm, napakainit sa labas. Doon, kinumpleto na namin ang sayaw, from Waltz to Waltz (kulit!). Hirap ng "Can I Have This Dance?", medyo complicated pero nagawa pa rin namin. Nilipat kami sa court ni Bb. Simene. May mga ginawa siyang changes sa sayaw namin. Tinanggal niya ang Waltz at iniba ang entrance namin. Hay... Ginawa niya kaming "models" sa pagrampa kanina.

Habang nagsasayaw kami, grabe tulo ang pawis ko lagi, kami ni Ate Ba! Buti nalang pinagpapahinga ako ni Bb. Simene, kaya alternate ako kung magsayaw. Sinasasama ko na rin ang aking partner siyempre, pagod na rin siya. At sa wakas ay natapos kami nang 4:20pm.

Nakakapagod talaga ang araw na ito! Kahit walang lessons, tadtad naman ng sayaw! Hay... Sabi nga ni Apple (Jenica)....

"Relax ka lang Patz. Think positive! :D"...

Tuesday, January 27, 2009

Saya, Lungkot, Pagod at Pagkakaibigan

Hay... Kay bilis talaga ng panahon. Pagkatapos mamaalam sa 2008 ay aking binati ang 2009. Sa pagsisimula ng taong ito, nakaramdam at nakaranas ako ng mga matitinding pagsubok at iba pang mga pangyayari, masaya o malungkot man, na talagang hindi ko malilimutan.
Binati ko ang unang araw ng taong 2009 sa pagpunta sa simbahan ng Quiapo kasama ng aking mga kapamilya. Nang kami’y matapos magsimba, kami ay dumiretso sa SM Megamall (na dapat sana ay sa MOA) upang mananghalian. Kumain kami sa Max’s Restaurant (na naman – almusal ko kinaumagahan) at nag-order ng sobra-sobrang pagkain. Ang kinain ko (as usual) ay Shanghai Rice at Max’s Chicken sabay ng 7up na softdrink. Nang kami’y matapos, kaming 14 ay naghiwa-hiwalay sa panunood ng sine. Kami nina Ate Shayne, Denise & Nathan ay nanuod ng “Ang Tanging Ina N’yong Lahat” (dahil gusto kong tumawa buong taon :D). Ang mga “adults” ay nanuod ng “Iskul Bukol” & “Baler”.

Ang masasabi ko lamang ay talagang nakakatawa at nakakatuwa ang pelikula ni Ms. Ai Ai. Deserving ito na manguna sa takilya & maging “Box Office Hit” sa MMFF. Halos lumuwa na ang aking mga mata at sumakit ang tiyan ko sa kakatawa dahil kay Ina & Rowena (Eugene Domingo), lalo sa mga famous quotes nila.
“Ang batang masipag, paglaki pagod.” Etc.....

Nang matapos ang napakaligayang unang araw ng taon, puno naman ng kalungkutan ang bumalot sa aming tirahan, lalo na para sa akin. Pagkatapos ng 4 na araw ng pananamlay ng dalawa sa aming mga alagang aso na si Buck at si “Moo Time (Zipper)”, ay tuluyan nang lumisan sa aming piling (pagkatapos ng 2 taon). Ako’y umiyak sa buong gabi at hindi nakatulog dahil napamahal na sila sa akin. Pumanaw si Buck nung ika-2 ng Enero samantalang si Moo Time ay pumanaw matapos ng 2 linggo.
Ang mga sumunod na araw ay puno ng trahedya, kamalasan at kalungkutan para sa akin. Nung ika-4 ng Enero, kami ng aking mga kaklase ay nagpunta sa tirahan ni Zeejay upang mag-edit ng aming pelikula. Nang kami’y matapos, kami ni Raisa ay umuwi na. Nang kami ng mama ko ay nasa jeep pauwing Angono, sa Taytay ay mayroong sumakay na isang kahina-hinalang lalaki. Nagkaroon ng takot kami ng mama ko at lumipat kami ng upuan. Nang kami’y lumipat ay siya namang umalis ang lalaki. Nang ang aming jeep ay palayo na sa Taytay, aming nakita na ang lalaking iyon ay isa palang HOLDAPER dahil muntik na niyang manakaw ang bag ng isang tumatawid na babae ngunit maraming tao ang bumugbog sa kanya.

Sa pagsisimula muli ng pasukan, maraming araw ang aking pinagdaanan na puno ng trabaho, kapaguran at kamalasan din. Mas naging “busy” ako ngayon sa pagbubukas ng 2009.
Nung ika-5 & ika-6 ng Enero, pinalabas ang mga kauna-unahan naming mga pelikula (III – St. Albert the Great). Nandun ang “Wild Child” nina Ate Riz, “Bato sa Buhangin” ng aming grupo na kasama ang nakahihiyang patalastas ko sa pag-spoof sa Coke :D, “Dating Tambayan” na nakatutuwang love story nina Yanna at ang pinakapaborito ko sa lahat, ang “C.A.B.I.N.E.T.” nina MM, na talagang nagpatakot at nagpatawa sa akin. Ang aming mga pelikula ay pinalabas sa ibang pangkat ng Third Year, kung saan nakita nila ang aming mga kahihiyan...

Sa tuwing may pasok, ako’y nakakaramdam ng pagkahilo at pananamlay araw-araw ngunit pinipilit ko pa rin na maging masigla sa paningin ng mga kaklase at guro ko. Ito’y marahil sa sobrang kapaguran mula sa tambak na mga gawain na nakaatas sa akin. Kabilang dito ay ang pagsulat ko ng 6 na artikulo para sa aming dyaryo sa paaralan. Umaabot ako ng 4 na oras dahil sa dami ng mga ito. Dalawang artikulo nalang ang hindi ko nagagawa hanggang ngayon dahil sa daming takdang-aralin at proyekto.


Hay... Tama na muna sa puro negatibong nangyari sa akin, sa magaganda naman. Ang aming pangkat (III – St. Albert) ay dumaan sa mga pagsubok sa “spelling” nang dalawang beses upang makuha ni G. Arcilla ang top 3 spellers para sa Pebrero sa finals. Sa ngayon, ako’y pang-anim (6th) sa ranggo, may pag-asa.

Sa asignaturang Ingles pa rin, kami ay nagpractice nang isang buong araw para sa choral recitation namin sa ika-23 ng Enero. Kailangan naming ipresent ang The Congo” ni Vachel Lindsay. Kami ay sinanay nang husto ni Ate Riz at ako ang drummer boy nila. Mahirap maging drummer, tataymingan ko ang pagsalita ng aking mga kaklase na dapat ay sakto. Ang akala nung una ay madali, yun pala ay hindi. Kaya nasabi ko sa aking sarili na matapos ang “elimination” ay gusto ko nang maging “Indian” sa aming presentasyon.

Isa rin sa mga pinagtuunan namin ng pansin ay ang paggawa ng steps para sa aming sayaw sa JS Prom. Remix ang tugtog namin, may Mambo #5, I Can’t Take My Eyes Off of You, Awitin Mo at Isasayaw Mo & Night to Remember. Sina Edexa ang namuno sa pagbuo ng steps at dahil isa ako sa mga “leaders”, kasama rin ako sa pagbuo nito. At nang dahil din dito, sa wakas ay nakapunta rin ako sa bahay nina Ate Riz sa Tower Hills na napakalaki at napakaganda talaga. :D

Daming mga nangyari sa unang 26 na araw ng 2009! Ngayon din nabuo ang isa ko pang group of friends na “LPJ”, kami nina Lance at ni Kuya Joed na ang official na pabango ay ang nakakaadik na bango ng “Atlantis”. Ang FRIENDSHIP din ay lumaki, ang dating 5 kami ay naging 7 na! Nakapunta rin ako muli sa bahay nina Ludi upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan nung ika-17 ng Enero, kung saan halos 20 ng III – St. Albert ay nandoon. Kasama ang masarap na mapulang spaghetti ni Tita Lourdes at ang libreng “Alice Academy” showing!

Kaunti pa lamang iyan, marami pa ang darating na mga mabubuong pagkakaibigan, mga pagsubok at iba pa. Alam kong kakayanin ko lahat ang mga iyon sa gabay ng Diyos! :D

Monday, January 26, 2009

Kapag Tumibok ang Puso

Ang pag-ibig ay biyaya sa atin ng Diyos. Lahat tayo ay nakakaranas ng pag-ibig, sa ating mga magulang at sa mga kaibigan.....na nabubuo ang ka-ibigan! :D

Ako rin ay tinamaan ni Cupido ng maraming beses. Aking naaalala na ang first love ay I mean “crush” ko ay si Zelle nung ako’y Grade 5. Ngunit ngayon ay matalik kaming magkaibigan. Ang mga sumunod ay pawang “pag-idolo” lamang ng mga personalidad sa telebisyon gaya ng isa sa mga 26K ng Kapamilya, Deal or No Deal at iba pang mga artista. Nasa aking listahan ng mga naging “crush” sina Chloe McCully & Starr Spangler. Ngunit ngayon, mula nung ika-9 ng Disyembre 2008, ay mayroon pa rin akong paghanga sa aking kaibigan na lalo pang “lumakas” sa paglipas ng mga araw. Hindi ko maaaring sabihin dahil ito’y “against the law”..... Masasabi kong infatuation lamang ito pero mayroon akong mga sinyales ng pagiging masaya o malakas/ mabilis na pagtibok ng puso ko sa tuwing maririnig ko ang kanyang pangalan, kapag kinakausap niya ako at kapag kami ay nagtuturuan ukol sa mga aralin. Ang dahilan kung bakit mas lumakas ang aking paghanga sa kanya ay marahil siya ay malambing, mabait at nakakatuwa. Paghanga lang naman ito, hindi na lalagpas doon at nais ko na kami’y maging magkaibigan na lamang. Okay lang naman yun, close naman pa rin kaming dalawa. Natural sa akin na ayaw kong ipaalam ang aking paghanga sa kanya na maaaring makapagpabago ng kanyang tingin sa akin. Kaya napag-isipan ko na itago na lang sa sarili ko iyon at pati rin kay Winnie! :D CLUE: girl siya! siyempre...

Hay..Ang buhay talaga ay talagang makulay kapag may pag-ibig at paghanga sa kapwa. Natural lang iyon sa isang tao, lalo na kapag nagiging mature at sa haiskul! Di ko rin masasabi kung ito’y magtatagal, basta ang alam ko, ang Diyos lang ang makapagsasabi. :D

Badges



Proudly Pinoy!