Friday, March 20, 2009

A Sweet Delicious Treat

Oh! It’s time for vacation. A time to relax, chill and to explore new things. March 19, 2009, me and my mom went to SM Megamall to buy VCD’s and DVD’s of movies for us to watch this 2-month vacation. She’ll also acquire a dress she needs for the wedding we’re about to attend this coming Sunday.

To make the long story short, when we bought all the things we needed, it’s time for the final stop: Krispy Kreme! We are unaware that the store had their new edition of doughnuts, they called it Chocolate Karnival. I craved very much when I saw the tarpaulin of their primary new doughnut, Chocolate Glazed which was quite similar with Original Glazed. I didn’t wait any longer and we purchase 1 dozen of doughnuts: 6 Hershey’s Special Dark Chocolate and 6 Chocolate Glazed. When we got into the FX, I ate 1 Chocolate Glazed doughnut.

The doughnut was really delectable & mouth-watering! Even you just look at it, you will be tempted to eat it. It differs much greatly to Original Glazed for it has a touch of sweet milk chocolate I guess. Instead of the original recipe applied to the soft, supple and white doughnut base, it is covered to the highest degree with oh so sweet, enticing, rewarding and sugary chocolate glaze that ooze down and never let a single spot of the white doughnut base. When I took my first bite onto it, it felt heaven in my mouth because primarily of the soft base followed by the overflow of the chocolate glaze that made me sense the “melt-in-your-mouth experience” which is same to the original one. I will never forget this doughnut and it became my 2nd favorite, trailing behind the Hershey’s Special Dark Chocolate! It’s really perfect for chocolate lovers, like me :D.

Thursday, March 19, 2009

"Thank you and goodbye.."

School Year 2008-2009 was the most enjoyable and most unforgettable year of my life. Napabilang ako sa section III – St. Albert the Great, with modesty aside, ito ang section 1 ng Third Year level.


Since summer 2008, kaming magkaklase (Albert) ay nagkakasama na sa Summer Catechesis. Sa araw ng pasukan, doon nagsimula ang pinaka-unforgettable history ng aming section. Sa mga kaklase kong binabasa ang post na ito, ito ay puro pasasalamat.
III – St. Albert the Great, salamat nang sobra-sobra sa lahat-lahat. Salamat sapagkat ipinaubaya ninyo ang klase sa akin bilang Class President ninyo. Thank you sa trust. Although it was a tough year for me to handle you, it’s all worth the effort. Kahit maraming mga suliraning dumating sa atin, nagawa nating malagpasan ang mga iyon. First of all, sa friendship problems. Sa mga humingi sa akin ng tulong, thank you for the trust ulit for sharing your problems. I did my best to fix your difficulty at sana ay ‘wag na kayong mag-away. Just remember, I’m always here for all of you. Nagagalit man ako dahil maingay kayo, agad namang napapawi iyon ng iyong kasiyahan. Salamat sa lahat ng mga nag-comfort o nagpagaan ng aking pakiramdam kapag ako’y nagiging pessimistic. Thank you for the advice of enlightenment and those who gave me hope to strive harder each and everyday. Kayo ang nagpapatatag sa akin at humubog sa aking pagkatao at mas sinubukan ninyo ang aking katatagan. Alam kong na-test ang aking patience at nagawa ko namang lagpasan iyon. Despite na kayo’y strident, it’s okay, ang mga ngiti niyo ang nagsilbing lakas ko sa araw-araw. Mamimiss ko ang inyong “ingay”, dahil iyon ay ang ating trademark na hindi mabuburo sa aking isipan.

Dito rin sa III – St. Albert the Great, nakilala ko ang mga tunay at matalik kong kaibigan. Ako’y mapalad na nakilala ko sila nang lubos at ako’y talagang nagpapasalamat sa Diyos dahil pinagtagpo Niya kami. Hindi ko makakalimutan ang ating samahan....L-P-J...Friendship.....PIX. Kahit sabi ng ating mga guro na hindi tayo “united”, alam naman natin sa sarili natin na ito’y hindi totoo, namuo na ang ating samahan na matatag since the very start. Siguro ay nasabi nila iyon dahil tayo’y nahihiwalay sa mga grupo-grupo. Na-classify ko na rin ang grupo sa klase. May grupong “high-class”, “maiingay ngunit masaya”, “conservative”, “magugulo” & “tahimik”. Ako ay nakibagay sa inyo sapagkat sumasama ako sa lahat ng grupong namuo sa ating klase at mas nakilala ko ang inyong mga pagkatao at ugali. Ako’y lubos na natuwa na naipakita ninyo ang mga tunay niyong sarili, although ang iba ay nanatiling “hidden” ang personality. Ngayon din ay lumabas ang pagiging “palabiro” at “pagkamasayahin” ko dahil sa inyo. You always make me HAPPY each single day I go to school. Dati ay tahimik ako, nasa sulok nagbabasa, ngayon ay nahawa na ako sa inyong ingay in a positive way.

Hay, ang dami kong nais sabihin. Marami akong hindi makakalimutan sa section natin, pero maraming salita ang naugnay sa atin.



CRAMMING: Dito tayo kilala. Talagang hindi na matatanggal sa atin iyan. Kahit sino sa atin, cramming. Mamimiss ko iyon. At ‘pag mahirap ang mga lessons, sa umaga, nagpapaturo ang iba sa kapwa kaklase. Basta ang pangongopya kahit sa homework, form of cheating pa rin yan ha? Di ko talaga makalimutan, pati sa pagdarasal ng rosary, kinakalimutan niyo na para lang matapos ang homework sa room. Pati sa quizzes, sa mismong araw nagrereview at pati nung retreat natin, cramming pa rin sa paggawa ng retreat letters. At nung farewell, iba sa atin, cramming pa rin sa pag-ayos ng gamit na dadalhin.

MAINGAY: Mas kilala tayo rito. “Pilot ‘yan..” Ang ingay natin ang nagbibigay buhay sa ating section pero ‘wag sobrahan. Kahit sumobra kayo sa ingay, nagagalit ako. Tapos na naman diba? Basta ang ingay natin ay masaya, indication lang na tayo’y maligaya sa isa’t-isa.

UNITED & NOT UNITED: Mayroon tayong mga sari-sariling group of friends kaya nasasabi ng ating mga teachers na wala tayong unity. Pero ‘pag pinagsama tayong lahat, nagtutulungan naman tayo nang maayos...?

TAMAD: Ang iba sa atin ay ganito. Dahil dito, nagsisimula ang pagkacramming natin. :)

MGA DAKILANG GALA: After exams, gala kayo ng gala diba? Nahawa na nga rin ako sa inyo, pero minsan lang naman. Pero ang “gala” natin ay for projects natin....sometimes. Gumagawa tayo sa ibang bahay para sa mga group projects, lalo ‘pag may sayaw tayo.
Wala na akong maisip. Basta mamimiss ko talaga ang ingay ng section natin. Ito na ang aking mga pasasalamat:

Thank you Zeejay sa mga trivia at sa unique na information na naibahagi mo sa akin. Salamat at naging open ka na rin sa wakas, at least nakakusap na rin kita. Kay Stephen, salamat sa respect sa akin. Basta ‘wag kalang mahiya sa akin ha? Jerome, salamat sa patience nung shooting natin, sinacrifice mo ang pagcocomputer mo. Roemer, thank you sa concern at ikaw ay isa sa mga naging tahimik sa section natin. Wala akong problema sa iyo. Clarence, thank you sa pagiging jolly at pinapasaya mo rin ako. Hiram ka lang sa akin ng “The Book of Answers”. Andrej, “Rogers”, thank you sa pagtuturo sa akin sa Math at sa pagdagdag-kasiyahan sa ating section. Edward, thank you sa concern at pagdala sa amin sa inyong hacienda de Fabrero. Thank you rin sa mga advice na binigay mo sa akin. Salyn, thank you Lord dahil nalaman nating mag-pinsan pala tayo, thank you sa pagtatak sa aking isipan ang iyong pagtili :). MM, thank you sa concern, pagpapatawa at sa paghawak sa buhok kong bagong gupit :).Chx, salamat sa pagtulong sa akin sa pagkuha ng attensyon sa Albert at sa pag-aannounce ng reminders. Thank you rin sa pagpapatawa mo sa akin at flattered din ako na nakikita mo si Bro sa akin. :D. Ricky, thank you for your spiritual words of wisdom, naging close din tayo (yes..) and for being calm all the time. Czarina, thank you sa pagpapatawa rin sa akin at sharing your stories & insights. Karz, pinapatawa mo rin ako araw-araw, thank you. Ate Cam, same as Karz & sa pag-share mo ng ideas & feelings sa akin. Thank you for the trust. Claire, thank you for being a cute & funny seatmate. Andrea, salamat sa pagiging true friend, sorry rin di na tayo masyadong nakakapag-usap, busy kasi. Dexa, thank you for sharing laughter with me and sa concern mo sa health ko. Jessa & Jessica, thank you rin sa concern lagi sa akin.

Thank you Winnie dahil ikaw ang naging “only stressball” ko. Hindi ko malilumtan ang malambot mong arms at sa mga corny mong jokes. Kay Ochie, ikaw ang talagang nagpatawa sa akin nang husto. Mamimiss ko ang mga “palo” mo, ang ingay na nilikha mo sa room natin at salamat sa pagiging masayang chatmate. Yanna, thank you for a big share sa room natin, for the help you gave to me, sa mga stolen shots, at sa trust dahil nag-share ka ng mga hinanakit & secrets sa akin. Thanks for being a wonderful chatmate at sa concern mo rin sa health ko. Kay Ate Reyna, salamat dahil katuwang kita at kakuwentuhan sa mga horror movies, may masasabihan na rin ako sa wakas ng mga napanuod kong horror, thanks. Ate Aica, thanks sa concern sa health ko at being the best ate! So proud of you because you found the right time to reconcile with him. Kaye, thank you sa pagtuturo sa akin sa Math at tinanggap mo pa rin akong friend nung malaman mo yung secret ko. Pau, thanks for sharing knowledge with me, sa funny acts mo at sa lahat! Liza, salamat sa pagpapatawa at pag-share ng stories sa akin. Ate Ba, thanks for being the best JS Prom partner ever! Ate Riz, salamat for being honest to me & for the touching words you said while we’re chatting. You’re true and I love it. Thanks. Rai, salamat sa concern & pagpapatahimik sa Albert lagi. Ate Sharms, thanks for being the Best Vice President ever! Salamat sa pagtulong sa akin sa paghandle ng Albert. Apple (Jen), thanks sa lahat lalo ‘pag nagbabahagi tayo ng secrets at mga karanasan. Thanks sa mga optimistic advice mo sa akin when I’m feeling down. Melissa, thank you for being a true friend and you always make me smile.

To my best friends ever: Ate Chy (pinsan), thank you for being super initiative sa klase Ikaw talaga ang tumulong sa akin nang husto at ikaw ang pinakamasipag sa lahat. Thanks sa lahat ng help. Marianne, FS, sabihin mo na sa kanya :) thanks for being a true friend, sa pag-share ng secrets mo at sa pag-include sa akin sa FanFiction stories mo. Keep up your “writing talents”! Ludi, thank you for being also a good & true friend, di mo ako iniwan saan man ako naroroon. Thank you sa pagtuturo mo sa akin kapag nahihirapan ako sa isang lesson at sa pagiging patient.
Zelle, ikaw talaga ang naging sandigan ko kapag may mga problema ako. Salamat dahil ikaw ang mas nakakaalam ng mga hinanakit ko at thank you sa pagtago ng mga secrets ko. Salamat sa pagpapatawa sa akin lalo ‘pag nasa “Disturbia” mode ka :D.
Celine, hay.......ang ultimate nanay ko sa room ("labx"). Thank you sa lahat-lahat, sa concern mo, being one of the funniest and wackiest seatmates ko ever! Ang galing mo sa lahat especially sa pag-dodrawing. You'll always be my labx. Thank you.

Kuya Joed, hay.. thank you sa lahat especially sa pagtuturo mo sa akin kapag may difficulty ako sa Math. Thanks sa pag-share mo ng insights & problems sa akin at sa pagiging patient mo sa akin. Hindi ako nagalit sa’yo niisang beses. You’re the best kuya I’ve met ever! Hindi mo ako iniwan, true friend ka talaga. Saya mo ring ka-chat sa YM. Salamat din sa mga panahong magkasama tayo, sa asaran natin, kilitian, titigan at marami pang iba. Thanks kuya!

At last but definitely not the least, kay Lance, ang first and forever kong best friend! Salamat sa concern mo sa aking health, ikaw lang talaga ang nakakaalam ng aking condition at kung anung kailangan ko ‘pag inaatake ng hika. Thanks din dahil nagbabahagi tayo ng secrets sa isa’t isa although we fail to keep it for a long time. Kaya mo ‘yan sa puppy love mo! Thanks din sa pagtuturo sa akin sa Math & Chemistry. Thanks sa mga times na lagi kitang kasama, you’re the best! God bless.

Hay, ang haba ng post ko. Thank you III – St. Albert the Great sa lahat. Thanks for the memories! Hindi ko kayo malilimutan. I...Love....You! :D

Farewell to You, My Friends

“I hate goodbyes, ‘cause they make me cry. As an alternative, just say “see you.” – Mr. Arcilla
Two days ago, the class I belonged to, III – St. Albert the Great, planned to have a good time in Green Gables Farm, Tanay Rizal. It’s also our Farewell Party to indicate the end of our school year.


Ang aming usapan ay magkita sa treehouse na malapit sa aming school nang 6:30am. Ako’y nagising nang 2:00am upang iprint ang mga “awards” na ginawa ko para sa aking mga kaklase. Halos maubos ang 2 pakete ng ink namin sa dami ng awards: 53. But for a fact, 102 ang awards dapat. Inabot ako nang 4:00am sa pagpiprint, ipinadala via e-mail ang 6 awards kay Raisa habang nag-chachat sa YM para siya ang magprint due to the shortage of ink sa amin. Chat muna from 4:00am – 5:15am kina Raisa & Marianne. After that, breakfast at nag-ayos ako ng gamit. Lahat ay ayos na. Bihis na ng white kong t-shirt, handa na lahat.


7:00am: Nakarating ako sa treehouse. Marami na sila roon. Nandun din ang ibang parents ng classmates ko. May pagtatalo at nagkaroon ng chance na ma-postpone ang lakad namin. Habang may discussion ang mga parents, binigay ko ang farewell gifts ko sa aking best friends na sina Lance (green pillow) at Kuya Joed (gray pillow). After some minutes, in the end, mayroong mga hindi nakasama dahil sa decision ng parents nila, for safety reasons. Sumakay na ang mga kaklase ko sa jeep at sa mga private vehicle. Ako ay naiwan, mama ko at ang aming guro. Nagpaalam ako sa kanila na hindi na ako makakasama at sila’y namaalam. Nang kami’y naiwan, umalis na rin si Marianne. Ngunit dahil sa nais kong makasama & masurprise sila, sumama na rin si Ms. Peligaria. Nandun din si Tita Vicky (mommy ni Ate Riz) at sa kanyang sobrang kabaitan, doon nalang kami nag-travel instead na magcommute.


7:50am: Ang mahabang paglalakbay namin ay talagang napakatagal. Naisip ko na parang umuwi na rin ako sa Luisiana, Laguna o mas matagal pa ito. Sinabi ko kay pinsan (Chyrill) na ‘wag sabihin sa iba na papunta na rin kami, surprise pati rin ay Edward (ang may-ari ng pupuntahan naming farm). Sa loob ng 2 oras, panay tanung namin for directions sa mga taong nadadaanan, pati kay Edward & Chyrill. In the end, kami ang nauna. After 15 mins., sina Melissa ang sumunod at after 10 mins., ang jeep ay dumating. Kumpleto na kami nang 10:00am. Ang mga hindi ko malilimutan sa farm na palatandaan ay ang pulang bubong at ang Elementary school doon.

Pumasok na kami sa bahay na may red roof, iniwan ang gamit sa taas. Nag-explore kami sa loob ng bahay, may telescope, attic, baril, soldier & cowboy hat at marami pang kakaiba. As a part of OUR tradition, nag-kodakan kami, sa loob man o sa labas. Ako ay talagang nagandahan sa lugar, may treehouse, may mga duyan at may mga tupa, bibe & pato (1st time kong makakita :D). We went to the schedule, "The Amazing Race 2" na namin. Ako ay isang assistant at si Edward ang host. Ang 6 teams of 5 ay nag-compete at nag-unahan sa paggawa at pagtapos ng mga nakakabaliw na challenges gaya ng pagkain ng bawang, caterpillar challenge, blindfolded drawing at paghanap ng missing flags na nakatago sa mga damu-damo. In the end, ang “Orange” team ang nanalo. Congrats :D


Rest muna, 11:30am. Picture-picture ulit at niluluto na ang lunch namin. Papunta na kami sa swimming! Ako ay kabilang sa 2nd batch. Kami ay sumakay sa “cruiser” ni Edward kung saan sumakay kami sa likod ng truck. At nang umandar na kami, kami ay sumisigaw at inenjoy ang view! Napakasaya namin talaga, patalbog-talbog sa truck, natatalsikan ng putik pero masaya. About 12:15pm, nasa “Waterfalls” na kami. Nagswimming at nagbabad kami sa napakalamig na tubig na talagang galing-kalikasan. Masasakit man ang mga bato sa ilalim, nag-enjoy pa rin kami. Nagtatalsikan ang mga “splash” ng tubig sa isa’t-isa. Nag-kodakan sa tabi ng waterfalls. Malalim man (14 feet), ok lang kasi HINDI naman ako pumunta roon :D. Ang iba ay umakyat sa pinakataas ng falls, picture ulit! Babad dito, babad dun at nawala ang stress naming lahat. After 90 mins. ng paglalangoy, bumalik na kami, sumama ako sa 1st batch.


Lunchtime! Adobong manok, barbecue & suman ang mga handa. Matapos kumain, si Melissa at ako ay ang mga tumira sa videoke. “I Will Survive”, “Dreaming of You”, pati ang “ABC Song” tinira namin :D. Iniwan ko sila ni Ate Riz at ang iba’y pumunta na rin. Umakyat sa taas upang mag-food trip at ako’y namahinga nang kaunti. Medyo nalungkot ako sapagkat hindi na namin mapapanuod ang mga dinala kong “pelikula”: ang regalo ko sa klase na gawa sa “Movie Maker” at ang “The Descent” dahil nag-videoke nalang sila. Dala na naman ng emosyon, binigay ko na agad ang mga awards at napansin ng karamihan na ako’y galit, well medyo lang naman. Nag-stay ako sa labas, nag-swing at nagduyan kami ni Zelle, para malubos ang view. Thanks sa best friend kong si Lance at cinomfort niya ako sa aking 20% anger. Sinalang na nila ang ginawa kong slideshow na nakapagpaiyak kay Lance dahil mamimiss niya ang klase. Ang iba ay natuwa at natawa :). Nang matapos, awarding ulit, ako ang nanguna rito at pinangaralan ko ang mga kaklase ko. After ng awarding, cinonvince nila ako na aminin na kung sino si “Against the Law” – from my previous post: “Kapag Tumibok ang Puso”, ang crush ko....DATI. Nasabi ko naman after several moments :D. Nalaman na ni Kaye, pero she’ll always be my “bebeko”. Nagpasalamat din ako sa mga “katawagan” ko. Di rin natuloy ang Time Capsule namin pero pinapanuod ko sa kanila ang disc 2 ng “The Descent”, nagulat & natakot sila dahil nakakatakot naman talaga. Habang nanonood ang iba, naghahanda na ang iba para umuwi at pinapanuod din namin ang “ginawa” ko kay Ms. Peligaria. Habang nagpeplay ang video, naiyak ang iba at nagyakapan na. “Emotion filled the atmosphere”. Nasiyahan ako dahil natuwa naman ang aming tagapayo. Nang tapos na at naka-impake na ang lahat paalis, lumabas na kami (5:00pm) at dun nagpatuloy ang yakapan, iyakan at “mensahinan”. Natuwa ako dahil nakapag-reconcile na sina Ate Aica & Kuya Joed :D. Pinangako ko sa sarili ko na hindi ako iiyak dahil magkikita pa naman kami pero si Curlz (Winnie) ang nakapagpaiyak sa akin. I admit mamimiss ko sila for 2 months. Naiyak din ako kay Ochie T_T. Nagyakapan kaming lahat, kahit hindi kami kumpleto... Doon ko nasabi na “hindi ako mawawala”, at “ako’y masaya na nahandle ko ang III – St. Albert the Great as their president.” Sabi nga ni Mrs. Cruz, “Ang Albert ay Albert pa rin. Kakaiba at hindi na mauulit ang Albert na ito.” Pagkatapos ng 30 mins. na paalamanan, umalis na kami, ako, mama ko, Ms. Peligaria, Frances & Mariz sa sasakyan ni Tita Vicky.
2 hours biyahe muli pabalik, thanks Tita Vicky! :D. Nang makarating sa bahay, bagsak ang aking katawan at ako’y natulog. Naiyak ako dahil napanaginipan ko ang “Albert” ulit, dahil alam kong hindi na talaga mauulit ang aming batch.... masaya ako at naayos na ang lahat....mamimiss ko talaga SILA......

"Farewell to you my friend, we'll see each other again. Don't worry 'cause its not the end of everything." - lyrics from the song "Farewell to You, My Friend"

Badges



Proudly Pinoy!