Ako’y nagbabalik sa pag-boblog! Sa wakas, 2 linggo akong nawala sa mundo ng blogging. Isang reason ay ang pagrereview para sa mga darating na entrance exams sa colleges tulad ng sa Ateneo (September 20, 2009 na) at UST (sometime in October 2009). Pero talagang nanghina ako sa isang pangyayari: ang pagkasira ng isang “part ng buhay ko”, ang aking computer.
July 2009: Kapag ako’y nag-susurf sa internet, hindi maiwasang magdownload ng mga files na kailangan ko sa aming computer subject dahil nandun ang mga activities, projects etc. na nakastore sa Yahoo! Groups ng class namin. As time goes, napansin ko na bumagal ang buong system ng laptop ko at lahat ng games, sa sobrang bagal, isang click inaabot ng 2 minutes bago mag-play talaga. Binaliwala ko lamang ito. Sa mga sumunod kong paggamit, kapag ako’y nagtatype sa MS Word, malingap lang ako nang saglit, lahat ng aking natype ay binubura at pinipigilan ko ito sa pamamagitan ng ctrl + Z. Tumitigil ito pero after 30 seconds, pilit “may bumubura” ng lahat ng tinatype ko.
It’s very alarming, nang aking i-check ang aming anti-virus program, lagi nitong sinasabi na invalid key pero naka-install at activated naman. Binura ko na iyon at bumili ng bagong anti-virus program. It was good, nang aking ma-scan ang system, 50+ errors, viruses and threats found at agad kong ni-remove. So I was comforted na wala nang problema sa computer ko. Pero after 2 days, bumalik ang “bumubura” kapag nag-tatype ulit ako sa MS Word. Things got worse dahil kapag nagciclick lang ako ng folders, biglang lumalabas ang “Are you sure you want to delete this folder?” without clicking the delete button. Lagi kong pinipindot ang “No” pero hindi maalis ang “window”. Ganun ang nangyari sa lahat ng files and folders sa aking computer. Kinabahan ako nang sobra. Buti na lang ay nasave ko ang mga files ko sa USB ko. Ako’y nagscan muli pero “No Threats found” ang nasabi pero alam kong meron. Sa sumunod kong gamit, nawala na “lahat-lahat” ng laman ng computer ko.
Thanks to my wonderful dad at naayos niya ang laptop sa pamamagitan ng pag-reformat. It took him 3 days to return all softwares and applications removed. Hay… back to normal pero nawala ang mga blog posts at mga games ko. Pero okay lang, at least may nagagamit pa rin ako. That virus was very tricky at bigla na lang mag-popop-up sa internet na “Please download our software to ensure your computer from viruses”. Hay…grabe pala ang virus. Sobrang hirap pakiusapan, kumakalat sa lahat ng files. Now I learned na I should evade from download too much files from the internet. At sana, effective an gaming nabiling bagong anti-virus program.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 remarks:
sabi kasi ng MS word magpahinga ka na kaya binubura nea mga tinataype mo. hahaha jowk Lang. xD
buti n lng :)
Post a Comment