Thursday, February 26, 2009

Hark to Where I Begun - My CCC Life

Sa aking pananatili sa Cainta Catholic College sa loob ng 5 taon, marami akong naging karanasan: masaya man o malungkot, pagiging matagumpay o pagkatalo, galit at hinanakit, kahihiyan at katatawanan. Nagkaroon ako ng pagkakataon ng ma-experience ang 1 field trip, 3 recollections, 2 retreats, sangkatutak na seminars, sumali sa mga quiz bees at contests, 4 field-demos, 1 JS Prom at marami pang iba. Nakilala ko rin ang mga best friends ko sa CCC at iba’t-ibang klaseng pagtuturo ng mga guro namin. Dito rin ako natutong makaramdam ng infatuation :D. Sa mga nagbabasa ng post na ito, matutunghayan ninyo ngayon ang aking mga pinagdaanan sa aking Alma Mater.

GRADE 5: Unang Taon sa CCC
Dito na ako pumasok sa Cainta Catholic College, first school na nilipatan ko in my life. Dito ako tinanghal na “transferee” at talagang mahirap ang proseso ng pag-aadjust. Dito ko natanto na may “chips” sa pagbili sa canteen, black pants and white na uniform (dati ay off-white na uniform and brown pants), color-coded na ID cords, mas malaking grounds at may, what they call pilot sections! Nang mabalitaan ko na may section 1, tiklop naman ako = di ko hinangad na lumapit, tumingin o dumaan sa room nila :D Ang una kong naging section sa CCC ay V – St. Catherine under the advisory of Mrs. Eugenia Rizza B. Atienza, ang unang “nanay” ko.

Ang pinaka-una kong nakilala ay si Adrian Bauzon. Nung una ko siyang makilala, naging close kami kaagad at nalaman ko na St. Catherine ang section niya kaya sabay kami sa pagpasok. Isa rin siyang transferee. Nang nagsimula na ang 1st day of class, nagkaroon ng “lipatan” ng sections ang ibang students. Nasama si Adrian, lumipat siya sa kabilang section. Naisip ko wala na akong makakausap, siya na nga lang ang nakasundo ko ay nawala pa. Naging loner ako nung 1st day, pero nakilala ko naman sina Ivan Parero at ang aking kauna-unahang BEST friend ko sa CCC na si Lance Gerome A. Dela Cruz :D at ang una kong “ate” na si Agatha Vernie Cuaresma. As the days pass, na-elect ako bilang Class President na talagang hindi ko expected kasi di pa naman nila ako kilala para maging presidente nila! Dahil sa hindi pagkakaunawaan especially tungkol sa pagiging president ko, ang una at huli kong nakaaway sa pananatili ko sa CCC ay si Jonell Coral na pagkatapos din ng 2 araw ay naayos namin ang gusot.

Nagpaka-normal akong mag-aaral nung Grade 5 at sa aking pagsisikap, salamat kay BRO, ay naging top 1 ako (w/ modesty aside for 3x). Ang saya ko nung Grade 5, lagi kaming magkasama ni Lance, at mayroon din kaming friendly competition nun :D Dito ko rin nakilala ang kauna-unahan kong “crush” na si Juzelle Javier, na ngayon ay best friend ko na :D

Ang most unforgettable experience ay nung September 23, 2004 ata, yung “embarrassing encounter” ko sa V – St. Anne (section 1 for 5th grade). Inutusan ako ni Mrs. Magsino na i-announce nung uwian ang project nila for 2nd grading period. Pagkautos sa akin ay bumilis ang tibok ng puso ko.. tugdug...tugdug...tugdug...dahil kinabahan ako siyempre ay makakaharap ko ang pinakamatatalino na mag-aaral sa 5th grade! Inisip ko na puro siguro nakasalamin ang nasa St. Anne...Moving on, pagkaakyat ko, kahit uwian na, nandun pa rin ang St. Anne, buong-buo, magugulo, naglalaro sa loob ng room nila. Tapos tinapangan ko ang aking sarili at nakipag-usap ako sa isa sa kanila: lalaki na may mga “ponytail” sa buhok na nakalimutan ko na kung sino. Nung nagsasalita palang ako, sabi niya na sa loob ko raw sabihin yung project – hinila na niya ako papasok sa room at pinatayo sa platform, gitna ng buong room.

“May i-aannounce daw SIYA!” – unknown

Inexplain ko naman yung pinautos sa akin ni Mrs. Magsino, habang nagsasalita ako, may nakita akong nagbubulungan at may narinig akong “lait” na maliit ako (totoo naman na maliit ako nun :). Ang mga naalala kong mga mukha ay sina Rod De Vera, Pau, Kuya Joed, Ludi...yun lang. Pero ang naalala ko nang pagkatapos kong magsalita ay nag-walk-out ako dahil hindi naman nila ako pinapakinggan, napahiya ako nang husto nun, pinagtawanan nila ata ako sa pag-alis ko na may kasamang “SALAMAT” na may tonong pang-aasar. Haixt. Kaya simula nun, nagkaroon ako ng konting pagkainis sa “pilot section”...

Sa pagtatapos ng Grade 5, naging masaya ako dahil nakadalo ako sa Araw ng Pagkilala na mayroon akong mga naiuwing parangal, thanks BRO! :D

GRADE 6: Panahon ng Pagsisikap
SY 2005-2006: Ito ang naging batch na kinabilangan ko nung ako’y nasa ika-6 na baitang. Kami ng aking matalik na kaibigan na si Lance ay mapalad? na napabilang sa VI – Our Lady of Light (ang section 1 nung Grade 6) under Ms. Almira Braga. Ang aming section ay binuo ng halos kalahati ng dating V – St. Anne. Naisip ko, “nandito na ako sa pinakakinatatakutan kong mga tao”. Si Lance lang ang lagi kong kausap sa mga unang araw. Sinubukan ko ring makipag-socialize sa iba naming kaklase. Ang una kong nakilala mula sa St. Anne ay sina Winnie Eliab at Louise Quicho. Naging Asst. Secretary rin ako ng klase at una kong pagkakataon na tumakbo sa Student Coordinating Council at pinalad akong manalo bilang Secretary ng buong Elementary Level. Sa aking pagkapanalo sa SCC, nakilala ko naman ang isa ko pang best friend na si Ludi! :D

Dahil sa payo ng aking dating adviser na huwag magpabaya sa pag-aaral, nagsikap ako nang husto nung Grade 6. At dahil sa aking mga pagsisikap ay nagulat ako na pumangalawa ako sa mga achievers :D. Natuwa na ako nun at napag-isipan kong mag-aral pa.

Dito ko unang naranasan na magkaroon ng retreat (overnight) na ibig sabihin ay hindi ako matutulog for the 1st time sa bahay namin. Sa aming retreat, inatake ako ng hika at dun ko na-realize na may concern naman pala ang mga kaklase ko (boys) sa akin dahil parang “binantayan” nila ako nung matutulog na. Special thanks kay Zeejay at Lance nun :D

Nung Grade 6 din, Christmas party, kami nina Ate Sharms, Ranelyn, Winnie at iba pang girls ay pumunta sa Sta. Lucia Mall. Nagsaya lang kami nun at ito rin ay ang una kong “gala”:D. Naalala ko na naubos nang husto ang mga baon naming pera sa kakalaro sa “Piso Game” :D

To cut the story, sa aming graduation, thanks kay BRO and with modesty aside, ako’y naging 2nd honors (salutatorian) with 2 extra awards :D.

FIRST YEAR HIGH SCHOOL: Panibagong Yugto
Tapos na ang mga maliligayang araw sa Elementarya at panibagong yugto sa buhay-estudyante ang pagpasok sa mataas na paaralan. Ako ay napabilang sa I – St. James under the advisory ng isa sa mga pinakamabait na aking mga naging guro na si Mrs. Sabina “Babes” San Jose. Una kong naisip na mas mahihirap ang mga lessons sa High School, mas magugulong kaklase, mas maraming activites at iba pa.

Na-elect ako muli bilang Class President ng aming klase. Agad akong napalapit sa aking mga kaklase at naging magkakaibigan din kami :D. Ang pagkakakilala nila sa akin ay dakilang “addict” ng Kapamilya Deal or No Deal :D. Ang malimit ko namang kasama nun ay sina Lloyd Borja, Edward Fabz at si Kuya Marvs. Masaya ang section namin talaga at hindi magiging masaya ito kung wala ang mga pasaway naming kaklase pero mababait sila. Naalala ko na sa sobrang galit ko sa kanila ay hinagis ko ang aking bag sa room!

Wala naman masyadong makuwento nung First Year except nung November 16, 2006 na pagkatapos namin sa Computer class, nalate kami ni Lloyd dahil may inutos ang isang teacher sa amin. Siguro mga 5 minutes kaming nalate at nung ako muna ang pumasok sa room, nandun na si Ms. Lilia Mendoza (Math Teacher namin), nakatingin sa akin, sa sobrang taranta hindi na ako nakapag-sorry na na-late ako. Nung ako’y umupo na, nagparinig si Ms. Mendoza na nakalimutan ko na kung ano yun basta may revelance sa pagiging late sa klase. Naramdaman ko na umiinit na ang aking mukha kasama ang pamumula sa sobrang pagkahiya at lungkot. Di ko namalayan na umiyak na ako nun sabay sabi ni Ate Reyna (Ranelyn – seatmate ko :D) na practical joke lang yun. Tawanan ang lahat :D. Birthday ng mama ko ay umiyak ako haha. Ginanon din si Lloyd at di naman siya umiyak, ako lang talaga ang mababaw ang luha :D Hay si miss talaga, nakakatuwa :D

February 2007, kami nina Lloyd at Edward ay nag-swimming sa Gem’s Resort na supposedly ay buong I – St. James. Hindi sila nagsipunta kaya kaming tatlo nalang. May pangyayari nun na muntik na malunod si Edward! Pero buti nalang, nakaahon siya kaagad.

To wrap up, with modesty aside, ako’y halos himatayin dahil nung 4th grading period ay nakatanggap ako ng dalawang 100% na marka sa report card (EP and conduct). :D Di ko talaga makakalimutan ang resulta ng aking pagsisikap noon :D.

SECOND YEAR HIGH SCHOOL: Career at New Heights
Second Year, para sa akin ang PINAKAMASAYA kong panahon sa High School. Ako ay napabilang sa II – Gabriel under the advisory of Ms. Jean Charlie Waker, ang adviser kong palaban at concern sa kanyang mga students :D. Na-elect akong Class President at ako na naman ang nagdala ng hirap at pasan para sa aking mga kaklase. Marami akong naranasan nung 2nd year tulad ng nakapunta ako sa 3 iba’t-ibang schools sa labas ng campus: Magi’s Academy, UP Los Banos at nakalimutan ko na ang isa. Masasabi ko n tight ang samahan ng aming section. Nameet ko rito ang naging 2nd “ate” ko na si Charlene Fabro na naging best friend ko rin at mas naging close kami ni Juzelle (naging best friend ko na rin siya) :D.

Naranasan ko rin ang hirap ng pagiging achiever dahil sa pag-iinform ng overall rank 1 ko nun. Mahirap mapanatili ang ganung standing, sa dami ng mga magagaling na mag-aaral pero talagang di ko expected yun na na-overall ako :D. Talagang masasabi ko na nagsikap ako nang husto nung 2nd year. Hinarap ko ang mga pinaka-kinatukan kong Genetics, Homeostasis, Intermediate Algebra, Florante at Laura & si Mrs. Manuel, na talagang mahigpit dahil dapat kaming magsalita ng straight English sa kanyang period pero nakaya naman namin :D Ngayon taon din ay iisa lamang ang naging ABSENT ko (sayang..)

Sa pagtatapos ng 2nd Year, napanatili ko ang pagiging “overall”, thanks BRO! Sa Araw ng Pagkilala ay una kong maranasan na magkabulutong :).

THIRD YEAR HIGH SCHOOL: Period of Maturity
Sa III – St. Albert the Great na tayo! I have a separate post for this....so abangan niyo nalang :D Pero masasabi ko lang ay dito ko nakilala nang husto ang mga best friends ko: sina Lance, Juzelle, Ludi, Liza, Marianne at Kuya Joed... :D

Saturday, February 21, 2009

Outcome of My Efforts

February 19, 2009: Ito ang date kung kailan ko natanggap ang aking report card. Naalala ko na galing ako sa school clinic namin dahil nag-undergo ako ng "asphyxiation" or hirap sa paghinga. Habang dinaan ko ang room ng section ng III - St. John, inabot ni Miss Peligaria ang mga cards namin nina Pau at Celine. Ang mga report cards ng mga kaklase namin ay ibinigay sa kanila nung Feb.17 pero wala kami nun dahil sa MAPSA. Ipinaskil na sa wall ng room namin ang top 10 at achievers. TOP 2 ako consistently, to be honest may feeling of kaunting disillusionment dahil I knew that I gave my very best shot nung 3rd grading pero I think that God really has better plans siguro... TIME will come...

Ang mga grades ko ay bahagyang nagsibaba pero yung iba ay tumaas naman. For me, the card's results are just too memorable for two reasons. Observe them:

This is my first time to show my grades very publicly, I do not boast them, I'm just proud of the outcome of my efforts...

C.L: 99.20 *no change :D - B
Filipino: 96.90 * -2.45 :) - B
English: 95.35 * +0.75 :D - B
Math: 90.15 * -5.95 :(
Science: 96.90 * +1.5 :D
A.P: 92.65 *-0.65 :)
T.L.E: 100.00 *+1.7 :D - B
MAPEH: 96.17 *-0.39 :)
EP: 98.95 *+0.60 :D - B
Computer: 98.65 *+2.25 :D
Conduct: 97.01 *+0.75 :D - B
Lubos ako na nagulat sa card ko...di ko expected
Average: 95.97 ata (pag lahat-lahat: 96.53)
Yan ang mga resulta ng aking pagpupuyat, pagod, hirap, pawis at iba pa nung 3rd Grading Period! Hay... God is very good :D Thanks BRO!
*especially sa 3rd time ng pagkakaroon ng ____% thanks BRO for guiding me :D
In the next and final grading pati next year, I promise myself to do my best...whatever the result, I'll still endeavor to reach my dreams when I grow up...
Congratulations kay Pau, consistent in top 1
Congratulations sa LPJ, nasa top 5 tayong tatlo :D
Congrats kay Juzelle, yung tulong ko pala ay beneficial sa'yo: Top 30 (naks..)
Congrats kay Kuya Joed: top 5
at sa lahat... :D

The Night in High Spirits

February 14, 2009: Ang araw na ito ay naging significant sa buhay ng bawat tao sa buong mundo, most especially rin sa mga 3rd at 4th Year High School students sa iba’t-ibang schools na nagkaroon ng Juniors-Seniors’ Promenade Night nung araw na iyon. Therefore, 2-in-1 celebration ang araw na iyon:
VALENTINE’S DAY + JS PROM = BLISS

I am really excited nung Valentine’s Day hindi dahil sa mayroon akong date kundi dahil sa JS Prom namin sa CCC. Ako’y nagising nang 9:00am at naligo at pagkatapos ay nakipag-chat sa aking mga friends sa YM. Ito lang ang ginawa ko hanggang sa mag-3:00pm na. Nang sumapit ang alas-tres, nakatanggap kami ng nakalulungkot na balita na hindi makakapunta ang tito na sana ay susunduin kami sa bahay at ihahatid kami sa school via Innova, sayang sosyal sana ang entrance ko sa school :D. Nang ito’y mabalitaan namin, nalaman din namin na ang mga grandparents ko nalang ang susundo sa amin via meter cab. Agad nagbihis kami ng mama at daddy ko dahil baka ma-late kami sa kadahilanan na bisperas ng fiesta sa Taytay at trapik noon. 3:45pm – Nakabihis na kami at dumating na ang lolo at lola ko. Nang kumpleto na ang lahat, kami’y umalis patungong school sakay ng taxi ng napakamabait naming driver (naks naman siya... :D)

Ako’y medyo nahiya noon dahil napaka-“early-bird” ko. Dumating kami sa CCC nang 4:30pm pero pinadiretso namin ang taxi sa Jolibee para kumain – masyado pang maaga kasi eh... Habang nasa Jolibee, nag-giGM muna ako sa mga friends ko hanggang sa makita ko sina Mr. Pura at Ms. Arciaga sa kabilang table. Binati naman namin sila... (umasa ako na may “early-bird” award ako dahil nakita naman ako ni Sir Pura hehe... :D)

Pagkatapos naming kumain (pero hindi ako kumain to keep my neatness..:D), pumunta na kami sa school. Sa akala na wala akong kasama, nandun si Kuya Marvs with the Chico family. Kami muna ang magkakasama noon, hanggang sa dumating si Aphreil. Nagkodakan muna kami hanggang sa dumating na iba kong mga kaklase. Pumasok na kami sa CCC. Sa pagpasok ko, na-realize ko na ako lang ang naka-light brown na coat with blue long sleeves = kakaiba ako nung gabing iyon.

Habang nasa loob, kodakan ulit at bigayan ng flowers. Nag-7pm na, hindi pa rin nagsimula ang programa. Talking mode muna sa mga boys at chikahan sa girls kasama ang tuksuhan sa pagbibigay ng flowers. Binigay ko na rin ang flowers ko sa partner kong napakaganda na si Ms. Frances Anne G. Brecia at sa napaka-elegant naming adviser na si Ms. Myra Peligaria. Nang matapos ang misa, nag-entrance na kami.

Nang kami’y nasa venue, kami’y namangha sa ganda nito. Sa bawat paglakad ng mag-papartner, may picture taking. Kami ay pina-upo sa designated tables namin, 9 heads per table. Naging mga ka-table ko sina: Winnie (a.k.a ate Showie :D), Yanna, Pau, Kaye, my partner, Jerome, Roemer at si Kuya Joed. Nagjoke-joke muna kami, tawanan at nasa talking mode.

After nang mag-entrance na ang lahat ng sections, program proper na. After ng mga remarks, kami na ang unang nagsayaw ng cotillion. Kinakabahan kami nung oras na iyon at pinagpapawisan. Nang kami’y nagsasayaw na, halatang conscious ang lahat dahil nanonood si Monsi :D at mas conscious ako kasi ako lang ang merong kakaibang damit = “center of attraction” ako so what I did was I danced my very best nung night na yun. After several minutes, tapos na rin ang sayaw, as usual, pagod, pinagpawisan at hiningal. Then, nanuod kami ng cotillion ng ibang sections...with modesty aside, kami ata ang pinaka-“alive” na sayaw :D

After all the cotillions, DINNER time! Ang sasarap ng mga pagkain noon! Hindi ko nalang idedescribe kasi baka matakam ang mga magbabasa nitong post :D. After ng dinner ay ang pinaka-favorite part ng lahat, lalo ako......ang....DANCE PARTY (from 11:00pm – 4:00pm (5 hours nonstop)!!!

Masasabi ko na ang JS Prom ang pinakamasayang gabi ng buhay ko. Kaming III – St. Albert the Great ay naging suki sa dance floor. Kapag maganda ang tugtog, dun kami sumasayaw, pag naging hindi maganda, upo muna para rin makapagrest. Nabilang ko na halos naka-20 + songs ang aming nasayaw. Ang mga naalala kong sinayaw naming todo bigay ay:

Single Ladies! :D
Happy (can’t you see I’m happy now...)
Please Don’t Stop the Music
Closer ata
At iba pa..

Marami ang mga naging formats ang sayaw namin. Sa 80’s, may “pila-pila” factor na train-train type. Sa mga Pop at RNB, bumubuo kami ng circle = bigger circle minsan tapos raising hands in the ayer... Kembot dun, bali-buto rito, buhat dito at breakdance dito with matching dry ice (smoke) on the side kasama ang laser lights at colorful disco-ball like reflections! Crowded most of the times ang dance floor, masikip, mainit pero masayang magsayaw. Walang hiyaan dapat! :D But, dapat mahiya ang iba kong mga kaklase dahil sa pinaggagawa nila nung dance party, tutol talaga ako sa “take-it-off” gimik na ginawa nila kina Lance, Edward, Kuya Marvs, Kuya Joed at may iba pa atang boys...para kasing walang “etiquette”. I know it’s part of the “happiness” pero sana gawin nila yun pag matured na sila nang husto (siguro pag adult na sila, wag munang adolescent – 14,15 or 16 years old.) L FYI: HINDI at AYOKONG sumama sa ganun, nakita ko lang ang nangyari...

May mga sweet dances din, I kept my promise dahil nasayaw ko ang halos lahat sa 29 girls namin including Ms. Peligaria. Ang hindi ko lang nasayaw ay sina Juzelle (umuwi siya nang maaga) at si FS: Marianne (dahil hindi siya pinayagang magsayaw after her rest in Dengue) making it a total of 28 girls whom I danced with. Nagpatuloy pa rin kami sa pagsasayaw nang masaya, para kaming nakawala sa “hawla” (sabi ng mama ko meaning free and enjoy kami na binigyan namin ng relaxation ang aming mga sarili sa haggard na pag-aaral). As in nawala ang stress naming lahat, at yun ang time na pinaka-pinagpawisan ako. Basta ang feeling ay talagang masaya, nagsaya lang kami as in disco life...At ang pinaka hindi ko malilimutan na ginawa ko or I should say namin sa finale ng sayaw, ay nung binuhat ako nina Lakan at Kuya Joed (ako lang nun) at nagsayaw kami ng “Happy” (can’t you see I’m happy now...). Inisip ko nun na makikita ako ng mga teachers.. hehe pero masaya talaga!!! :D
NOTES:
First Dance: Frances Anne G. Brecia
Last Dance: Ranelyn D.C. Osorio
# of Girls danced with: 28
Teacher I Danced with: Ms. Myra Peligaria
Longest Dance: Kaila R. Manalad (4 minutes)
Funniest Dance: Ranelyn D.C. Osorio
Hardest Dance/s with: Raisa Lara A. Brillo and Sharmaine F. Florante
Dance Modes I'm in: "Train-train" and "Circles"
Longest mins. in DF: 20 minutes

At dun nagtapos ang aming JS Prom. I’m looking forward to the next and last one namin next school year. Jubilee Year na yun so extra special siguro yun. I’m so EXCITED and I JUST CAN’T HIDE it! :D

Friday, February 13, 2009

3 Days of Sentiment

"Boredom is just the reverse side of fascination: both depend on being outside rather than inside a situation, and one leads to the other. " - Arthur Schopenhauer

Naging masaya ngunit most of the time, boring ang naging Foundation Week. Dahil malapit-lapit ang aking kaarawan, sinamantala ko nang manglibre ng mga tickets (rides) to my friends: Lance (2x), Kuya Joed (3x), Chyrill (2x), Juzelle (once), Lakan (once), Kaila (once), Rane (once) & Pau (once).

DAY 1: Bliss and Exhilaration

Naniniwala lagi ako na sa bawat hirap ay may kapalit na ginhawa at ito ay ang 49th Foundation Week ng aming paaralan kanina lamang. Kaming mga officers sa aming silid-aralan ay sinabihang pumasok nang maaga (7am) upang maging preparasyon para sa isang misa. Habang nasa loob ng aming silid-aralan, kami ay nakinig sa aming mga kanta o musika mula sa aming mga cellular phones na aking pinalakas pa gamit ang aking speakers :D. Naglaro rin kami ng UNO Stack-O at hinanda ang aming mga props para sa “The Congo”. Nagkaroon din ng pictorial sa loob.

Sa misa sa pagbubukas ng Foundation Week, ako, si Celine at Lance ay naatasan ni Gng. Maranan na kunan ng litrato ang misa para sa Ginintuang Uhay. Kami ni Celine ang gagawa ng artikulo rito. Ako rin ay natuwa dahil nakita ko na rin sa personal si Mayor Mon Ilagan na nasa misa kanina. Sinundan ng isa pang programa ang misa, ang pagbibigay parangal sa mga employees ng CCC (Best in Attendance at Years of Service) pati ang mga mag-aaral na lumahok sa mga kompetisyon sa labas ng institiusyon. Kasama kami rito ni Kuya Karl Daliposa (dahil Grand Champion kami sa DLSU Computer Quiz Bee noong ika-23 ng Enero ngayong taon). Kami kasama si G. RV Cruz ay umakyat sa entablado upang ipakita kay Msgr. Arnel Lagarejos ang 2 tropeo, kasama ang photo session. Kinuhanan ako ng best friend kong si Lance, at abot langit ang ngiti dahil sa magandang tunog na palakpakan .

Nang matapos ang lahat ng programa, kami ay malaya na! Sa silid-aralan muna kami nanatili upang maglaro, mag-picturan at magsanay ng “The Congo”. Nasa silid kami hanggang ika-1 ng hapon at ako’y nabagot na dahil walang nais mag-rides. Ngunit kaninang umaga, kami nina Ludi, Liza at Zelle ay “sumakay” sa libreng ride – ang fire exit ng paaralan (pulang hagdanan na napakataas). Habang nasa loob ng silid, nagpicturan muna ako kasama ng aking mga kaklase: Melissa, Kuya Joed, Ate Reyna, Ate Ba, at Winnie, kasama rin ang L-P-J :D. Dahil walang magawa, naglaro kami ng UNO muli, kasabay ng asaran namin ni Kuya Joed! :D

Ika-2 ng hapon, sa wakas ay may nakumbinse na akong sumakay sa Ferris Wheel: sina Kaye, Pau & Rane. Nilibre ko na silang tatlo dahil pumayag silang sumakay :D parang birthday treat ko na rin sa kanila. Talagang nakakahilo pero masaya sa Ferris Wheel! Nakakalula at masarap ilabas ang emosyon lalo ang galit at inis sa pamamagitan ng pagsigaw sa ere. Katabi ko si Ate Reyna sa una kong sakay dito ngayong araw. Pagkatapos ay kami naman nina Zelle, Lakan at pinsan kong si Ate Che (Chyrill). Nilibre ko rin silang tatlo at sa aking pangalawang sakay, doon na ako nahilo – katabi ko si pinsan sa pangalawa kong sakay.

Pagkatapos ng dalawang sakay sa Ferris Wheel, kami ay pumunta sa Garden of Peace upang panuorin ang presentasyon ng CCC Chorale sa kanilang pagkanta ng mga awitin mula sa Miss Saigon. Ang ganda ng mga kasuotan nila, at ang pinaka-napansin ko ay ang magkasalungat na kulay na porma ni Czarina, puti ang suot at pula ang sapatos :D at pati na rin ay malaking long sleeves ni Kuya Joed! Naging maganda at maayos naman ang presentasyon nila, ngunit natabunan nang kaunti ng piano ang kanilang mga boses kasama ang mga sigawan ng mga mag-aaral. :D Ngunit, overall, maganda! At panghuli, nagperform ang mga CCC Idols na sina G. Arcilla, Gng. Atienza, Bb. Bautista, G. Usares at G. Morado, deserving sa kanilang titulo. Mag iika-4 na ng hapon nang ako’y antukin at patago akong umuwi, hindi na ako nakapagpaalam sa aking mga kaklase kasama si Edward. :D

DAY 2: Delight, Exasperation & Sadness

Pinlano ko na magpalate at pumasok nang 9:00am kanina upang ma-enjoy pa ang mahaba-habang tulog pagkatapos gawin ang 2 pang articles sa Ginintuang Uhay kinagabihan. Ngunit sa paggising ko nang 7:00am, nakatanggap ako ng SMS message mula kay pinsan (Chyrill) na performance na raw namin sa darating na 9:00am ng Speech Choir ng “The Congo”. Ito ang naging dahilan ng aking pagmamadaling umalis mula sa Angono.

Nang ako’y nakarating sa classroom, ako’y nagulat na bukas na ito bagkus na nasa akin ang susi. Aking naisip na hiniram na nila ang spare key mula sa guardhouse. Paglapag ng aking bag sa aking upuan, ako’y nagmadaling nagbihis sa CR: maong shorts, sandals at white shirt. Sa aking pagbalik sa room, ang aking mga kaklase ay may make-up at costume na pang-cannibal at civilized. Napansin ako ni Ate Riz at sabi niya ay magpalit ako ng damit dahil hindi tugma na “pang-hiking” iyon. Buti nalang at may extra shirt si Kuya Joed: gray = first time kong magsuot ng gray shirt sa buong buhay ko dahil puro puti ang mga damit ko :D

10:00am: Kaming III – St. Albert the Great ay naghanda para sa aming performance para sa “The Congo”. Handa na ang lahat at nagsimula na ang program. Kami ay pangalawang nagperform pagkatapos ng 1st Year. Nang kami na, nagkaroon ng confusions dahil nagpanic ang iba at mali ang napuntahang side ng stage. Mabuti nalang at naayos agad. Habang kami’y nagtatanghal, ako’y nagseryoso nang husto para sa aming performance at napansin ko ang ganda ng aming palabas. Nang kami’y matapos, mataas ang aking paniniwala na kami’y may pag-asang manalo dahil sa dami at lakas ng palakpakan at sa papuri ni Mr. Arcilla sa amin. At for trivia, dahil sa sobrang makatotohanan ng finale, sa aming pagbagsak (dahil namatay kaming lahat sa palabas), nasugatan ako sa tuhod. I think I gave my very best sa Speech Choir, at inialay ko yun kay Ate Riz :D

11:00am: Pagkatapos ng Choral Recitation, kaming L-P-J pati sa Ms. Peligaria ay nanuod ng Spelling Bee. Kasali rito sina Pau, Frances at ZJ. Winish ko rin ng good luck ang aking mga friends na kasali rin na sina Bernadette Yosa, Wesley Quiballo & Ivan Parero. Sa mga unang salita, marami ang nagkamali pero buti na lamang ay “brochure” ang kay ZJ, madali at tumama siya. Kay Pau, “coiffure”, nagkamali siya at na-eliminate (sayang! :D) at kay Frances, “morose”, tumama siya. Nang matapos, kami’y bumalik sa room ay naglaro sina Ate Reyna at Kaila ng “Deal or No Deal” na dinala ko. Habang kami’y naglalaro, aming nabalitaan na na-eliminate na rin sina ZJ & Frances. Sayang pero ok lang yun. :D Dahil sa sobrang interruptions sa laro namin, nagugulo ang studio at laging may “commercial break”.

2:30pm: “Break” ng Deal or No Deal namin dahil nanuod kami nina Kaila at Rane ng field-demo. Pinakamaganda na napanuod namin ay ang “Tiny Bubbles” na performance = Hawaiian ng First Year. Ang ku-cute nila kasi :D. Nang kami’y bumalik, natapos na rin sa wakas ang laro at ang kanilang napanalunan ay tumataginting ng “$0”. (applaud please :D)

3:45pm: Nagsama-sama ang St. Albert sa Garden of Peace upang pakinggan kung sino ang nanalo sa Spelling Bee at Speech Choir. Samantala, nang kami ni pinsan Chyrill ay pumunta sa room upang kunin ang aming mga gamit, kami’y nagulat dahil may 3 lalaki na hindi namin kilala ang nakaupo. Pawang nang-aasar sila na naging dahilan ng aking pagkabagot na nadagdagan pa ng panggugulo nina Clarence at Kuya Joed sa Deal or No Deal. Mainit na ang ulo ko nang kami’y pumunta sa grounds. Para mawala ang stress namin ni Ate Chy (mainit din ang ulo ni Ate dahil nagkakalat na naman ang mga kaklase namin sa room), sumakay kami sa Caterpillar. Nawala nang kaunti ang stress at sakto sa pagbaba namin, nag-aannounce na ng mga winners. Matapos sa Spelling Bee, Speech Choir naman:

3rd Place = Group 1 (First Year)
2nd Place = Group 3 (Second Year)
1st Place = Group 2 (Third Year = kami yun!)
Champion = Group 4 (Fourth Year – deserving naman eh :D)

Natalo man kami, ok lang, cute pa rin kami! :D
Matapos i-announce na 1st place kami, umakyat kami sa stage para sa pagtanggap ng plache at photo session. Pagkatapos ay umuwi na ako, dala ang init ng ulo at lungkot dahil sa akalang nagalit ang best friend kong si Kuya Joed sa akin...

DAY 3: Tremendous Satisfaction & Boredom

Maaga akong pumasok dahil huling araw na ng Foundation Week. Sinamantala ko na ang araw na ito sa pamamagitan ng pagbili ng maraming ticket at pang-lilibre sa iba! :D Mag-iika-9 na ng umaga at kami nina Lanz, Rane, Kaila, Pau at Chy ay naghintay na magkaroon ng tickets sa ticket booth. After 15 minutes ng pag-iikot, sa wakas ay meron na rin! Kaming 6 ay sumakay sa Ferris Wheel, as usual, mabagal...

Pagkatapos ng ride, boredom struck back. Sa room lang kami at tinadtad namin ang aming mga sarili sa paglaro ng UNO Stack-O hanggang sa mag-11 na ng umaga. Ito rin ay ang araw ng aking paghingi ng sincere forgiveness from best friend at kuya kong si Joed Abad dahil sa kasalanan ko sa kanya kinahapunan. Nang siya’y dumating (mag-11:30am), agad akong nag-sorry, pero ang funny dun ay sabi niya na hindi raw siya galit at di niya alam na napikon ako sa kanya kahapon. :D To conclude, bati na kami ulit!

Halos buong araw ko kasama sina Kuya Joed at Clarence. Pabili-bili ng El Bonito’s Pizza lagi, nilibre ko rin sila sa rides! :D Pero most of the day, si Kuya Joed ang kasama ko, pati sa pagpanuod namin ng nakakaaliw na sayaw ng buong faculty ng CCC: ang galing sumayaw nina Ms. Peligaria, Ms. Waker at ang ganda ni Mrs. Manuel! :D Ngayon din bumisita sina Charlene Bueno at Leoanne Lincuna, dati kong mga classmates....

For the day, puro UNO Stack-O lang ginawa namin, pati Twister. Hinintay lang namin maubos ang oras. Sa pagtatapos ng araw, nilibre ko sina Lance & Joed sa Caterpillar. Tapos hinintay na mag-uwian sa pamamagitan ng pakikinig ng nakaka-iritang rock band “concert” kanina. Hay... :D

At dun nagtatapos ang Foundation Week.... ay JS Prom pa pala bukas... excited na ako:D

Wednesday, February 11, 2009

My Mind and Life's in Disturbia


Disturbia: Ito ang pamagat ng isang awitin ni Rihanna. Ito ay isang magnanakaw sa gabi na darating upang kunin ka, gagapang sa iyo at lalamunin ka at isang sakit ng isip na maaaring kontrolin ka at malapit sa kaginhawaan. :D


Parang iyan ang akng nadama sa mga nagdaang mga linggo at araw. Dahil sa sobrang daming gawain, nakalimutan ko na ang aking sarili at kung papaano mag-relax! Disturbia rin dahil may mga suliranin akong dapat ayusin sa aking mga kaibigan. Ang tingin ko at ng iba sa akin ay si Rihanna sa music video niyang “Disturbia”, puti na ang mata, sumasayaw sa kama, paikot-ikot ang ulo, parang robot kung gumalaw at itim ang paligid ng mata dahil sa....eyebags. :D


Noong nakaraang linggo, sa aming paaralan, ang aming pinagtuunan ng pansin ay ang pagsasanay sa pagsayaw para sa aming JS Promenade Night. Wala kaming ibang ginawa kung hindi sumayaw nang sumayaw at ako ay nahirapan din sa pagsasabi o pagpapaalam sa iba naming mga guro na kung maaari bang gamitin ang oras nila upang magsayaw. Dahil sa paulit-ulit ang pagsasayaw at dahil may nagkakamali, pinayagan ako ni Bb. Simene na magpahinga pagkatapos ng isang salang, sinama ko na rin ang aking magandang kaparehang si Frances Anne G. Brecia :D upang magpahinga rin dahil nahihilo siya kapag nagsasayaw at wala rin siyang makakasayaw tuwing practice. Ito ay ginawa namin araw-araw, sayaw lang nang sayaw, na nagdulot din ng init ng ulo ng iba, kapaguran, pagdami ng pawis sa katawan, sigawan at iba pa.


Para rin kay Ate Riz, at sa aming lahat, kailangan naming manalo sa “The Congo” contest sa darating na ika-12 ng Pebrero dahil kung hindi ay gagawa kami ng “book reviews”, 3 nobela ang dapat basahin at hindi maaaring short stories, ito ang magsisilbing proyekto namin sa asignaturang Ingles.

Di rin namang maaaring mawala ang pag-aaral, kahit puro sayaw lang at The Congo nung nakaraang linggo. Pinaghandaan din namin ang ika-5 at huli naming buwanang pagsusulit na ginanap nung ika-9 hanggang ika-10 ng Pebrero 2009. Nagkaroon na ng isang formula sa isip ko sa mga gawaing iyon (para sa akin):


KAPAGURAN = SAYAW + PAG-UPO + PAG-AARAL + ARTICLES + THE CONGO



Pangalawang linggo na ng Pebrero at ika-5 buwanang pagsusulit na namin! Salamat kay BRO dahil bahagyang dumali ang aming mga pagsusulit, ngunit ako ay nagsisisi sa aking kamaliang nagawa sa asignaturang Matematika na sa halip na “positive” ay “negative” ang naisulat ko L. Nakakalito naman nang husto ang Araling Panlipunan at nakakadugo ng ilong ang Chemistry, kahit nag-aral ako nang mabuti. Pagkatapos namin ay nagsanay kaming III – St. Albert the Great ng “The Congo”, kaunti lamang kami dahil wala ang CCC Chorale (halos ½ sa amin ay kasama rito) at salamat kay BRO, tapos na namin ang mga steps at nagawa na namin nang maayos iyon.

Pagkatapos din ng kada araw ng pagsusulit ay nagsanay na naman kami muli ng sayaw para sa JS. Bago kami sumalang, kami ni Ate Riz ay nagkaroon ng tapatan sa isa’t-isa. Naging maluwang ang aking loob nang masabi ko lahat ng aking hinanakit sa kanya. Maayos naming naayos ang suliranin at salamat muli kay BRO, magkaibigan pa rin kami :D yehey! (love you Ate Riz!)


Yan ang iba pa lamang sa mga dahilan na nagsanhi sa akin ng “Disturbia”. Marami pang darating, kaya dapat kong ihanda ang akng sarili dahil sabi nga...

"It's a thief in the night, to come and grab you.."

Badges



Proudly Pinoy!